Sa pag-aasawa susuwertehin (2) | Bandera

Sa pag-aasawa susuwertehin (2)

Joseph Greenfield |December 05,2017
facebook
share this

Sa pag-aasawa susuwertehin (2)

Joseph Greenfield - December 05, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Alvin Catmon, Santa Maria, Bulacan
Probelma:
1. May girlfriend ako sa ngayon pero wala akong trabaho, kaya kahit gustuhin kong mag-asawa hindi ko magawa. Isa pa natatakot akong matulad sa mga kapatid ko na matapos mag-asawa at magkaroon ng mga anak, naghihirap ang buhay. Hindi mapag-aral ang mga anak at baon sa utang. Naaawa ako sa mga pamilyang may nagugutom na mga anak, kaya ayaw ko pang mag-asawa hanggang wala pa akong stable job.
2. Kaya nais ko malaman kung kailan ako magkakaroon ng stable job at ng makapag-asawa na. Four years na po kasi kami ng girlfriend ko at inaaya niya na akong magsama kami kasi may trabaho naman siya. Ayaw ko lang pumayag, kasi nga ayokong namang umasa na lang ng umasa sa kanya, tapos aasawa ko sa kanya o ako ang padre de pamilya. May 5, 1989 ang birthday ko at December 23, 1990 naman ang birthday ng girlfriend ko.
Umaasa,
Alvin ng Bulacan
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) at Capricorn naman ang girlfriend mo ay nagsasabing compatible kayo, sapagkat ang Taurus at Capricorn ay kapwa pinangingibabawan ng elementong earth o lupa. Kaya kung sakaling kayo ang magkakatuluyan, may pangako ng isang maunlad at maligayang pagpapamilya habang buhay.
Numerology:
Ang bitrh date mong 5 at 23 naman ang girlfriend mo ay nagsasabing sa sandaling kayo ay nakasal at nagsama, maraming magagandang oportunidad ang mabubuksan na may kaugnayan sa negosyo at pagpapalago ng kabuhayan. Kaya nga kung wala kang trabaho sa ngayon, tiyak ang magaganap kapag nakapag-asawa ka na, isang negosyo na pagtutulungnan ninyo ang agad ninyong mabubuksan at ito ang sa inyo ay magpapaunlad.
Huling payo at paalala:
Alvin ayon sa iyong kapalaran huwag mo nang patagalin pa, kung saan, kahit na sa civil wedding lang dapat na kayong makasal ng kasalukuyan mong girlfriend, upang tuloy-tuloy ng matupad ang nakatakda – sa pag-aasawa, walang duda, mabilis kang susuwertehin at uunlad hanggang sa tuluyan nyo ng makamit ang isang masagana, mayaman at maligayang pang habang buhay na pagpapamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending