Ellen, John Lloyd engaged na; 'laplapan photo' pinagpiyestahan ng netizens | Bandera

Ellen, John Lloyd engaged na; ‘laplapan photo’ pinagpiyestahan ng netizens

|December 04,2017
facebook
share this

Ellen, John Lloyd engaged na; ‘laplapan photo’ pinagpiyestahan ng netizens

- December 04, 2017 - 05:40 PM

USAP-USAPAN kahapon sa social media ang video ni Ellen Adarna na ipinost sa Instagram kung saan may nilalaro siyang cute na cute na aso.

Pero bukod sa alagang dog ni Ellen, may isa pang agaw-eksena sa nasabing IG video na hindi napalagpas ng mga netizens. Ito ay ang suot na singsing ng sexy actress na pinaniniwalaang engagement ring na bigay ni John Lloyd sa kanya.

Paanong hindi mang-aagaw ng eksena ang nasabing singsing, e, nagmumura ang napakalaking diamond nito. At feeling ng mga followers ni Ellen, talagang ibinabandera niya ang nasabing singsing para makita ng buong mundo.

At dahil dito, mas dumami pa ang naniniwala na engaged na nga sina Ellen at Lloydie at mukhang totoo nga ang chika na namanhikan na ang aktor sa mga magulang ng kanyang girlfriend nu’ng huli silang magpunta sa Cebu.

Hanggang ngayon naman ay hindi pa rin nagsasalita si Ellen kung totoong dinadala niya ang anak ni John Lloyd. Matagal nang nababalitang buntis ang sexy star ngunit puro espekulasyon pa lang ang naglalabasan dahil wala pang direktang pag-amin mula sa mga taong involved sa issue.

Nu’ng isang araw naman ay nag-share si Ellen ng isang litrato sa Facebook kung saan makikita ang paghahalikan nila ni John Lloyd. Maraming nag-like sa nasabing photo at marami ring nagkomento na karamihan naman ay positibo. Ayon sa mga netizen, talagang adik na adik ang dalawa sa isa’t isa at gustong ipangalandakan sa publiko na pag-aari na nila ang isa’t isa at wala nang pwedeng mang-agaw.

May mga bumati sa kanila bilang future mother and father at meron ding nagtanong kung kailan magaganap ang kasal?

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending