Luis bastos sa mga taong balasubas; bashers tinuruan ng leksyon | Bandera

Luis bastos sa mga taong balasubas; bashers tinuruan ng leksyon

Alex Brosas |December 04,2017
facebook
share this

Luis bastos sa mga taong balasubas; bashers tinuruan ng leksyon

Alex Brosas - December 04, 2017 - 12:30 AM


IN-EXPOSE ni Luis Manzano ang isang female basher by posting her photo on his Instagram account.

“Mahiya ka sa status mo tungkol sa haters, nahuli kitang basher sa IG, post ko na pics mo ha? Game?

Kakahiya sa mga anak mo na nanay ka na basher ka pa. Ang plastic ng status mo ha,” say ni Luis sabay post ng picture ng basher.

As usual, nabatikos ang TV host as one said, “Sobrang patola ni Luis! Oo binash ka, pero there are other ways na umatake— yung classy way kumbaga. Or block na lang. Hindi talaga basehan kung mayaman or edukado ka sa pagiging classy or kung ano mang tawag sa paghohold ng composure kapag nabash.

Tsaka di ko gets din tong mga artista, kung di ka guilty eh wag mo na lang patulan. Napaghahalata tuloy.”

“Easier said than done. May hangganan ang pasensiya. Lets see if mangyari sa iyo yan maging classy & compose ka pa. Bastos lang siya sa mga taong bastos,” said one Luis defender.

“Ganito na lang lage? Mas kakampihan ang bashers dahil walang karapatan ang artista na pumatol? Nasan ang justice? Sila ang unang nambastos hindi naman siguro mag iinit ulo ni Luis kung hindi na below the belt ang tira! The worst is itong bashers matatapang dahil hindi nagpapakita. Nakakahiya kung ako ang kaibigan or relatives ng babaeng yan ikakahiya ko yan!” said another fan of Luis.

“May proof ba si Luis na yang pics na yan ay dyan sa Lynlyn na yan? Naka private ang Twitter account at nakita nya lang yung pic sa IG daw? Sana kasuhan ng babae si Luis for posting her pics. Sobrang sama ng Luis na ito ha,” say naman ng isang basher ni Luis.

“Duh! So hindi edukado kasi pumatol? Ayos ka lang? Dapat naman talagang pag aksayahan ng panahon ang mga trolls/bashers na ganyan para matuto,” pahabol na hanash ng isang kampi kay Luis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending