Bagong hugot ni Angelica: Mabubuhay nang maligaya ang isang babae kahit walang dyowa | Bandera

Bagong hugot ni Angelica: Mabubuhay nang maligaya ang isang babae kahit walang dyowa

Ervin Santiago |December 04,2017
facebook
share this

Bagong hugot ni Angelica: Mabubuhay nang maligaya ang isang babae kahit walang dyowa

Ervin Santiago - December 04, 2017 - 12:25 AM

HINDI na priority ni Angelica Panganiban ngayon ang magkaroon ng boyfriend. Mas gusto raw niyang i-enjoy ang kanyang pagiging single lady.

Para kay Angelica, kahit hindi niya hanapin ang lalaking muling magpapatibok ng kanyang puso ay kusa itong darating kaya mas mabuting magtrabaho na lang siya at karirin ang pagta-travel.

Memorable para sa aktres ang 2017 dahil sa dami ng na-experience niyang adventures. Sabi nga niya sa isang panayam, “Ano pang gagawin ko? Parang sobrang happy na ako. Parang ang dami kong nagawa within a year.”

Ang tinutukoy ng dalaga ay ang pag-iikot niya sa iba’t ibang panig bansa. Ilan sa mga napauntahan niyang lugar nitong mga nakaraang buwan ay ang Bhutan, Nepal at Siargao.

At kahit single siya ngayon feeling niya she’s a complete person pa rin, “Di ba after nun parang iiyak ka ganyan, then after kapag nag-decide ka na hindi na tama na, du’n pala talaga pala papasok yung, ‘mmmm okay naman pala.”

Dugtong pa niya, “Kapag may nami-meet ako talagang hi, parang talagang barkada yung nagiging approach ko.
“So wala ako nakikita na, ngayon a, walang spark sa kahit na kanino. Tsaka sobrang tagal ko nang in a relationship. And ngayon ko lang siguro naeenjoy talaga na maging mag-isa,” chika pa ni Angge.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending