Erich na-trauma, ayaw nang magkadyowa ng artista | Bandera

Erich na-trauma, ayaw nang magkadyowa ng artista

Julie Bonifacio |December 03,2017
facebook
share this

Erich na-trauma, ayaw nang magkadyowa ng artista

Julie Bonifacio - December 03, 2017 - 01:05 AM

ERICH GONZALES

DOBLE ang mga rebelasyon at pasabog sa nag-iisang showbiz talk show sa Philippine primetime TV dahil dalawa ang sabay na sumalang sa hot seat during its weeklong special ng Tonight With Boy Abunda dubbed as “2 Be Honest: The TWBA 2nd Anniversary Special”.

Kabilang sa naging panauhin sa TWBA 2nd anniversary ang mag-BFF na sina Erich Gonzales at Julia Barretto. Ni-reveal ng dalawa kung paano at saan nagsimula ang kanilang friendship.

Nagsimula raw ang friendship nila when they did a photo shoot abroad for a fashion magazine. Dahil sila lang daw ang magkasamang nandu’n kaya nagkatsikahan na sila nang todo at nakapag-bonding sa loob ng ilang araw.

Kyut ang naganap na bukingan nina Erich at Julia sa programa ni Kuya Boy when they asked each other about their respective lovelife.

Tinanong ni Erich si Julia kung magkasintahan na ba sila ng kalabtim at kasama rin niya sa latest movie ni Direk Cathy Garcia-Molina, ang “Unexpectedly Yours,” na si Joshua Garcia together with Sharon Cuneta and Robin Padilla.

Say ni Julia, “Dahil ‘2 Be Honest’ ang theme ng anniversary special ng show n’yo Tito Boy, I’ll be honest. I will not deny, but I will not confirm. Siyempre, dapat manggaling po sa guy, ‘di po ba?”

Prior to this, nauna na kasing ibinuking ni Megastar sina Julia at Joshua sa grand presscon ng “Unexpectedly Yours” na more than friends na ang relasyon ng dalawa.

“Obvious naman,” pambubuking ni Sharon kina Joshua at Julia. “Alangan namang nakikipag-holding hands ka sa di mo kaano-ano. Siyempre, alam nilang boyfriend mo ‘yan.”

Dagdag pa ni Mega, “Mahal na mahal nila ang isa’t isa, grabe! Ang tawag ko diyan, B1 and B2—Bubba 1, Bubba 2. Kasi, yun ang tawagan nila, ‘Bubba. Bubba.’”

***

Going back to TWBA, gumanti naman si Julia sa BFF niyang si Erich na uriratin ang tungkol sa lovelife nito. Sa true lang daw ay wala pa ring boyfriend si Erich. Pero inamin naman ni Erich na meron siyang masugid na manliligaw ngayon.

Mukhang type rin ni Erich ‘yung guy kaya lang sinabihan na niya na hindi pa siya ready na pumasok muli sa isang commitment. Sa kabila nito, very much willing naman daw ‘yun guy na maghintay kay Erich.

In return, sinabi ni Erich sa guy na kung makakapaghintay siya, he will be the next guy na papasukin sa buhay at puso niya.

Ayaw sabihin ni Erich kung ano ang name nu’ng guy. Pero kilala raw ni Kuya Boy. At kahit ano’ng pilit naman namin kay Kuya Boy na sabihin ang identity ng lalaki ay deadma lang siya. Ha-hahaha!

Anyway, pagkatapos ng interbyu kay Erich ay binati niya kami papalabas ng studio ng TWBA. Tinanong na namin siya kung taga-showbiz ba ‘yung guy. Say niya, “Naku Ate Julie, pagkatapos ng nangyari sa lovelife ko, sa non-showbiz na ako.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon sa aming source, mayamang businessman daw ‘yung guy at hindi masyadong matanda kay Erich. Meron din daw letter “L” sa name nito. Parang “PauL,” ganu’n?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending