Derek, Jennylyn, mas wild sa 'All Of You'; tumodo sa halikan at hubaran | Bandera

Derek, Jennylyn, mas wild sa ‘All Of You’; tumodo sa halikan at hubaran

Ervin Santiago |December 02,2017
facebook
share this

Derek, Jennylyn, mas wild sa ‘All Of You’; tumodo sa halikan at hubaran

Ervin Santiago - December 02, 2017 - 12:30 AM

DEREK RAMSAY AT JENNYLYN MERCADO

MAS wild, mas palaban at mas maraming hubaran ang reunion movie nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay, ang “All Of You.”

Isa ito sa mga official entry na kasali sa 2017 Metro Manila Film Festival sa direksyon ni Dan Villegas na siya ring nagdirek ng 2014 MMFF entry nina Jennylyn at Derek na “English Only Please”.

Kahapon sa presscon ng pelikula, sinabi nina Derek at Jen na mas mapangahas at mas nakakakiliti ang “All Of You” kung ikukumpara sa “EOP” na naging blockbuster hit dahil sa kakaibang atake nito bilang romcom.

Sey nga ni Derek, sa una nilang pelikula, smack-smack lang at kaunting intimate scenes lang ang ginawa nila, pero dito sa “All Of You” talagang tumodo sila ni Jen sa mga halikan at love scene.

Ayon naman kay Jen, ito na raw ang pinaka-wild at pinaka-hot na pelikulang ginawa niya kaya hinding-hindi niya ito malilimutan. Pero aniya, nagpapasalamata siya na si Derek ang naging leading man niya sa movie dahil hindi niya na-feel na nabastos siya sa mga ginawa nilang maiinit at maseselang eksena.

Ang “All Of You” ay tungkol kina Gab (Derek) at Gabby (Jennylyn) na magkasalungat ang pananaw tungkol sa love and marriage. Ngunit kahit hindi magkasundo sa kanilang paniniwala sa buhay, nakipag-commit sila sa isa’t isa.

Ngunit biglang mababago ang takbo ng kanilang buhay nang isa-isa nang maglabasan ang mga isyu nila sa kanilang sarili. Ang tanong, ipagpapatuloy pa ba nila ang kanilang nasimulan o magkakanya-kanya na lang sila ng landas bago pa sila mawalan ng respeto sa isa’t isa?

Of course, more than the sizzling scenes, ang malakas na chemistry pa rin nina Jen at Derek ang umaapaw sa pelikula. Wala na nga kasi silang ilangan kaya naman bigya-todo na rin sila sa kanilang mga eksena.

Ayon sa mga nakapanood na ng “AOY”, bigger and better ito than “EOP”. Non-stop ang hatid na aliw nito kaya naman swak na swak ngayong Pasko. Suwabeng-swabe rin ang theme song ng movie na “Dying Inside (To Hold You)” na kinanta ni Darren Espanto.

Ang original theme naman na “Natapos Na” na ginawa para sa movie ay kinanta ni Nar Cabico, ang BFF ni Jen at nakasama sa Kapuso series na My Love From The Star. Sapul na sapul sa puso ang theme song na si Jennylyn din ang nag-produce.

Makakasama rin sa “All Of You” sina Solenn Heussaff, Rafael Rosell, Sam Milby, Yayo Aguila, Kean Cipriano, Nico Antonio, Via Antonio, Hannah Ledesma, Milo Elmido, Enzo Marcos, Kelvin Yu at Kate Alejandrino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Higit na pasabog, pasiklab at paandar ang hatid ng “All Of You” ngayong Pasko mula sa Quantum Films, MJM Production, Globe Studios at Planet Media Productions na sasambulat na ang kilig at tuwa sa Dec. 25 mula sa winning troika nina Jen, Derek at direk Dan. Major sponsors ng movie ang Philippine Airlines, Tough Mama at Tanduay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending