Kabit na yayayaman (2) | Bandera

Kabit na yayayaman (2)

Joseph Greenfield |December 01,2017
facebook
share this

Kabit na yayayaman (2)

Joseph Greenfield - December 01, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Imel ng Bagumbayan, Pilar, Bataan
Problema:
1. Sa kasalukuyan ay may kinakasama akong lalaki na may asawa na. Ganoon pa man, regular din siyang umuuwi sa amin kaya kung tutuusin ay para na rin kaming mag-asawa. May isang anak na kami. Kaya lang minsan ay inaalala ko ang aking kalagayan. Habambuhay na ba akong ganito na patago-tago at palipat-lipat ng apartment upang huwag makahalata ang asawa niya?
2. Talaga kayang mahal ako ng lalaking ito? Kapag daw nakipaghiwalay na siya sa legal niyang asawa ay magsasama na raw kami, at malaya na raw kaming magiging mag-asawa. Pero ang inaaala ko ay kung kailan kaya mangyayari iyon. Kung makikipaghiwalay ako sa lalaking ito, may pag-asa pa kaya akong makapag-asawa ng binata at makaranas na maikasal at magandang buhay? November 14, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Imel ng Bataan
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) ang nagsasabing mahina ang iyong loob kaya kahit gustuhin mong takasan ang buhay ng pagiging kerida ay hindi mo kayang gawin, lalo na sa ngayon may isa na pala kayong anak. Ganoon pa man kung ang kinakasama mong lalaki ay isang Cancer, tugma at compatible kayo sa isa’t-isa at marami kang mahuhuthot sa kanya kung gugustuhin mo talaga.
Numerology:
Ang birth date mong 14 ay nagsasabing kung 8, 17, at 26 ang birth date ng lalaking kinakasama mo, wala kang dapat gawin sa ngayon kundi ang mag-ipon ng maraming pera upang kapag nagkahiwalay kayo ay may salapi kang maipanggagastos sa kinabukasan ng inyong anak at siyempre sa kinabukasan mo na rin.
Physiognomy:
Ang buhay at malaking nunal sa kanang bahagi ng iyong pisngi ay nagsasabing habang nakikipagrelasyon ka sa isang lalaking may asawa, maaari kang magnegosyo ng tindahan ng bigas o grocery. Sa negosyong nabanggit ka uunlad at yayaman.
Huling payo at paalala:
Tandaang may ibat-ibang suwerte ang bawat nilalang. Kung saan, may sinusuwerte sa pag-ibig, pero malas sa salapi at may roon din namang malas sa pag-ibig ngunit suwerte sa salapi. Sa kaso mo, malas ka sa pag-ibig pero suwerte ka sa salapi. At ito ay mangyayari sa sandaling nakapagnegosyo ka ng produktong bigas o kaya’y grocery. At dahil sa nasabing pagnenegosyo, ayon sa iyong kapalaran, nakatakda kang umunlad at yumaman nang higit pa sa natamong yaman ng orihinal na pamilya ng lalaking iyong kinakasama, ang nasabing pagyaman ay nakatakdang mangyayari at magsisimulang maganap da taong sa taong 2030 sa edad mong 41 pataas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending