Sweldo, benepisyo versus boyfriend

By Beth Viaje December 01,2017
share this

Sweldo, benepisyo versus boyfriend

By Beth Viaje December 01,2017
share this

DEAREST Ateng Beth,

May problema po ako. Matagal na po akong namamasukan sa isang pamilya na hindi ako itinuring na isang katulong lang. Mahigit 12 years na ako sa kanila. Sa katunayan sila rin ang nagpatapos sa akin sa high school.

Ngayon po, meron akong boyfriend na gusto na akong pakasalan. Pero pag naging mag asawa na kami kailangan ko na pong lumipat ng probinsiya, at doon ay wala akong trabaho. Samantalang dito maayos ang sweldo ko, at maganda ang benepisyo ko sa aking mga amo. Parang nahahati po ako sa anong desisyon ko.

Mahal ko naman po ang BF ko pero ayaw ko din mahiwalay sa pamilyang pinagtatrabahuhan ko kasi sila na lang ang masasabi kong pamilya ko. Wala na akong mga magulang at kapatid.

Payuhan mo naman po ako. Salamat.

Debra, Mandaluyong City

 

Debra dearest,

Sa totoo lang ‘teh, mahirap nga iyang kalagayan mo. Pero pag isipan mo rin na mabuti para you won’t regret in the end ang mga gagawin mong nhakbang.

Ganito ha, timbangin mo isa-isa.

Kapag nag-asawa ka, siyempre magkakaanak kayo. At sa sandaling mabuntis ka, hindi naman pwedeng mamasukan ka pa rin kahit kabuwanan mo na. At pagkatapos noon, paano na ‘pag nanganak ka na?

Paano ka mag-aalaga ng sanggol? Paano ka magpapalaki ng bata?

Sa kabilang banda, kapag nanatili kang namamasukan – posibleng makipag-break sa iyo ang iyong boyfriend. At kapag nakipag-break ka, pwedeng hindi ka na makikipag-nobyo ulet or else uulit na naman ang problema mo. Magbi break kayo pag ikakasal na kayo? Kaya mo ba yun?

Ang kagandahan kapag nag-asawa ka at nakapamilya, bagong bahagi iyon ng buhay mo. Bagong karanasan.

Kapag hindi ka naman nag-asawa, kasama mo palagi ang pamilyang pinagkakautangan mo ng loob.

In the end, ikaw pa rin ang magdedesisyon: Manatili sa kung nasaan ka, komportable at safe kasi walang pagbabago o mag-asawa ka at magkaroon ng bagong journey ang iyong buhay.

In the end, ikaw pa rin ang titimbang sa kung saan ka ba tuluyang liligaya, sa piling ni BF o sa piling ng itinuturing mong pamilya? O sa sweldo at benepisyo o nobyo at bagong buhay?

Pag-isipang mabuti bago magdesisyon. Ikaw ang lilikha ng future mo, ’teh.

And I wish you the best of luck.

Ateng Beth

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending