Sarah may bagong itsura sa ‘Miss Granny’ | Bandera

Sarah may bagong itsura sa ‘Miss Granny’

|November 29,2017
facebook
share this

Sarah may bagong itsura sa ‘Miss Granny’

- November 29, 2017 - 12:01 AM

NAG-VIRAL  ang litrato ni Sarah Geronimo na ipinost ng Viva Artists Agency sa Instagram.

Na-excite ang mga Popsters nang makita ang singer-actress sa bagong look nito sa kanyang bagong pelikula.

Sa nasabing photo, naka-pigtails at long dress ang dalaga. May pagka-conservative ang dating ng Popstar kaya ang hula ng kanyang mga followers ay medyo “manang” ang magiging role niya sa kanyang next movie under Viva Films.
Nauna nang napabalita na magsasama sa pelikula sina Sarah G at James Reid. Ito ‘yung Filipino remake ng hit 2014 Korean film na “Miss Granny.”

This is about a woman in her ’70s finds herself in the body of her 20-year-old self. Hindi lang kami sure kung si James pa rin ang makakasama ng Pop Star sa nasabing proyekto.

Noong July, napanood si Sarah sa reunion movie nila ni John Lloyd Cruz na “Finally Found Someone”.

q q q

Opisyal nang inanunsyo noong Okt. 23 ang pagtatapos ng kaguluhan sa Marawi ngunit hindi pa natatapos ang laban ng mga residente nito na unti-unting binubuo muli ang kanilang mga bahay at buhay.

Samahan ang Kapamilya anchor na si Jeff Canoy ngayong Miyerkules sa Red Alert sa kanyang pagbabalik sa Marawi para ibahagi ang kwento ng mga biktima ng digmaan at ang kanilang pagbangon.

Makakapanayam ni Jeff si Saipoding Mariga na sinuong ang mismong pusod ng digmaaan para mailigtas ang kanyang asawang si Geraldine. Sa paghahanap sa asawa ay nakita niya ang kapatid na si Anissa, na hinarap ang panganib para makatakas sa gitna ng bakbakan upang makahanap ng tulong kay Geraldine, na nakunan sa pagbubuntis.

Isa ang kanyang kwento sa mga ibabahagi ni Jeff upang malaman ng mga manonood ang buhay sa panahon ng pagkikipaglaban.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa si Jeff sa mga mamamahayag na buong tapang na nag-ulat mula sa Marawi noong kasagsagan ng bakbakan upang ipakita ang kalagayan ng mga kababayan natin doon. Sa ABS-CBN News Online nabasa ang kanyang “Buhay Pa Kami,” kasama ni Val Cuenca.

Dahil ligtas ang may alam kapag nalagay sa peligro, panoorin ang mga kwentong Marawi ni Jeff Canoy sa Red Alert, 9:30 p.m. sa DZMM TeleRadyo at pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending