Matteo: Sa akin lang si Sarah! Only Mine!!! | Bandera

Matteo: Sa akin lang si Sarah! Only Mine!!!

Djan Magbanua |November 29,2017
facebook
share this

Matteo: Sa akin lang si Sarah! Only Mine!!!

Djan Magbanua - November 29, 2017 - 12:01 AM

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

GAME na game na nakipagchikahan si Matteo Guidicelli sa #ShowbizLive last Wednesday with hosts Ervin Santiago and Izel Abanilla.

Una munang napag-usapan ang tungkol sa concert niya ngayong Thursday, Nov. 30, entitled “Hey Matteo” na gaganapin sa KIA Theater.

Bukod sa baon niyang mga kanta sa Inquirer TV/Radio 990, nag-share rin ang aktor ng ilang detalye tungkol sa kanyang major concert, about himself and his lovelife.

According to him, marami raw siyang special guests sa “Hey Matteo”, tulad ng rapper na si Loony, sina Kiana Valenciano, Morissette, G-Force and other surprise performers.

“It’s gonna be a fun show. And sa November 30 po kasama rin pong ilalabas ang bagong album ko,” ayon pa sa boyfriend ni Sarah Geronimo.

Lahat daw ng kanta sa kanyang bagong album ay all original kaya siguradong sulit na sulit ito para sa kanyang mga fans. Mabibili mismo ito sa venue ng kanyang upcoming concert.

Almost soldout na rin ang tickets sa “Hey Matteo, “Meron pang konti, so please humabol pa kayo. If you guys don’t have your tickets yet, check out Ticketnet.com.ph or call 911-5555 or you can go to the ticket booth at KIA Theater. I think one hundred seats left na lang.”

Ilang buwan ang ginugol ni Matteo para sa kanyang concert, mula sa pagko-conceptualize hanggang sa rehearsal, “Our director, Sir Rowell Santiago, and the band nagde-decide kami kung anong repertoire namin, yung mga gagawin namin sa show. Ngayon rehearsals na kami with our guests.”

Siniguro rin ng binata na meron siyang dance number with G-Force around, “Yes! Magsasayaw ako, magbabasaan tayo at hihiga sa stage! Ha-hahaha!”

Pero ano nga ba ang mas malapit sa puso ni Matteo ang pagkanta o ang pag-arte? “They’re both different things. Sabi ko nga yung acting ma-eenjoy mo rin kapag gusto mo yung project, halimbawa yung Dolce Amore. Yun nakaka-enjoy talaga, kasi kasama mo sobrang positive na mga tao, masaya silang makatrabaho, but singing is something else.

“Kasama mo yung banda mo, you go out with the boys and you just have a good time at night and jam, sobrang liberating. Sobrang iba yung feeling eh.”

Dagdag pa ng singer-actor sobrang malaya ang pakiramdam niya sa tuwing kumakanta siya at nakikipag-jam sa kanyang banda.

“Parang nasa banyo ka kasama mo yung mga boys mo, mga kabanda mo, nakahubad kayong lahat. Puro lalaki ha. Parang ganu’n. Anything goes. Tapos enjoy lang kami doon sa loob!” rebelasyon ni Matteo.

Aside from jamming with his band, may sarili rin silang bonding moment ni Sarah, may sarili raw silang paraan ng jamming and mostly nangyayari ito over the phone daw. Kapag may naririnig na bago at magandang kanta si Matteo ay tinatawagan niya si Sarah para iparinig habang kinakanta niya, “Sing to me, I’ll sing to you parang ganu’n.”

Speaking of Sarah G, nang matanong kung nagseselos ba siya sa mga leading man ni Sarah, “I’m not the selos type. Noong pinanood ko nga yung pelikula nila ni John Lloyd (Cruz), sabi ko, Love, parang nagseselos na ko dito, ah. But you know, that’s a good thing kasi ibig sabihin effective yung ginagawa nila.

“Pero siyempre after the show I know naman that John Lloyd doesn’t have a chance with Sarah.

Ha-hahaha! Sarah’s only mine, only mine!” ang mariing pahayag pa ni Matteo na ikinakilig ng mga loyal listeners at viewers ng weekly entertainment show nina friendship Ervin at Izel.

Sa maikling guesting pa lang na yun ni Matteo sa #ShowbizLive (na napapanood at napapakinggan every Wednesday, 8 sa Radyo Inquirer990 at sa ABS-CBN TV Plus, ay ang dami na niyang nai-share na kanta sa listeners and viewers ng programa.

Sabi nga ng mga host ng show, pinatunayan ni Matteo that night na may karapatan din siyang tawaging
SINGER!

Quickie talk with Matteo Guidicelli

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bedroom or comfort room? Bedroom
Drama or comedy? Drama
Cellphone or laptop? Cellphone
Unang ginagawa mo pagkagising? I wash my face.
Huling ginagawa bago matulog? Umiihi ako! Ha-hahaha!
Gustong gusto kong mag ____ sa gabi? Alam mo na ‘yun! Ha-hahaha! Playstation.
Kung pagkain ka ano ka? Pasta
Beach wedding, garden wedding or church wedding? Church wedding
Umiyak ka na ba dahil sa babae? Ilang beses na.
May pinaiyak ka ng babae? Ilang beses na rin.
3 sexiest women in local showbiz? Kathryn Bernardo, Julia Barretto, Liza Soberano.
Sarah G na popstar or Sarah G the actress? The Popstar
Kung bibigyan ka ng solo teleserye or movie anong gusto mong role? Movie na lang, yung kalaban ni Coco Martin.
Dream leading lady? Angelica Panganiban
Ilan ang gusto mong anak? Apat
Kung end of the world na bukas anong ire-request mo? I’ll have a nice intimate party with all my loved ones and friends and then the boys (bandmates) will play their music tapos may drinks diyan. We’re just gonna rock it out. The last song, iyakan na to, kasi bukas wala na tayo.
Kung bibigyan ka ng powers anong unang iso-solve mo na problema ng Pilipinas? Corruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending