Tren ng LRT1 umaandar habang nakabukas ang mga pintuan | Bandera

Tren ng LRT1 umaandar habang nakabukas ang mga pintuan

|November 28,2017
facebook
share this

Tren ng LRT1 umaandar habang nakabukas ang mga pintuan

- November 28, 2017 - 04:58 PM

NAG-viral ang isang video kung saan makikitang nakabukas ang mga pintuan ng isang tren ng Light Rail Transit Line 1 (LRT 1) habang ito ay umaandar kagabi.

Ishinare ng netizen na si Jason Ibe noong Lunes ng gabi ang video kaugnay ng depektibong tren noong Lunes ng gabi kung saan inilarawan pa niya ang naging karanasan na biyahe sa isang amusement park Star City.

“Parang nasa star city lang ako hahahahha. Bucket list achieved: makasakay sa LRT na bukas ang pinto,” sabi ni Ibe sa kanyang post.

Makikita sa video na nagtatawanan pa ang ilang mga pasahero, samantalang nagbababala naman ang ilang pasahero sa kanilang kapwa pasahero na mag-ingat at baka mahulog sa tren.

Wala namang nasaktan sa insidente.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending