Horoscope, November 28, 2017 | Bandera

Horoscope, November 28, 2017

Madam Sophia |November 28,2017
facebook
share this

Horoscope, November 28, 2017

Madam Sophia - November 28, 2017 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Huwag makipag-landian sa iba, may babala ng pagtataksil. Manatiling tapat sa kasuyong kayumanggi ang kulay ng balat. Sa pinansiyal, wag ubusin ang pera sa pagbo-blow-out, magtabi ng salapi para sa nalalapit na kapaskuhan. Mapalad ang 4, 18, 28, 37, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Harim-Haribol-Aum.” Yellow at black ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Hindi mabuti ang sobrang galante. Upang masolusyunan, ang pagiging bulaksak, mag-hanap ka ng kasuyong kuripot. Sa ganyang paraan mas madali kayong makakaipon at yayaman. Mapalad ang 3, 9, 12, 30, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jagat-Guro-Om.” Beige at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Wag hayaang lumayo ang kasuyong Capricorn, hindi ka uunlad at hindi ka rin liligaya kung patuloy na mag-iissa. Hanggat may panahon pa habulin mo siya. Mapalad ang 6, 17, 24, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahme-Neva-Om.”

Gemini – (May 21-June 21)—Hectic na activities ang nagbibigay ng suwerte sa mga Gemini. Kumilos ka ng kumilos at mag-exercise ng regular tuwing umaga. Kapag kilos ka ng kilos, mas maraming biyaya at masarap na romansa ang makakamtan. Mapalad ang 5, 9, 14, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Da-Bra.” Gray at pink ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Nakita ng langit ang pagiging mabuti mo kaya bibigyan ka ng gantimpala. Tuloy-tuloy na suwerte ang mapapasa iyo sa pag-ibig, sa relasyn at sa pera. Maging maingat sa pag-gastos upang may matira pang salapi para pang handa sa paskong darating. Mapalad ang 2, 19, 27, 33, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Green at violet ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Iwasang makibarkada sa mga taong walang pera, sa bandang huli matutulad ka rin sa kanila. Piliin ang mga kaibigang makakapal ang bulsa upang mahawa ka sa kanila sa bandang huli yayaman ka. Sa pag-ibig iwasan ang mga pangit sa mga taong magaganda – susuwertehin ka. Mapalad ang 4, 19, 27, 36, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Aum-Venit.” Magenta at yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Araw-araw gumising ng maaga, mag-ehersisyo at mag dasal. Sa ganyang paraan, maaga kang gumigisng at pina-priority ang kalusugan mas madali kang uuunlad at liligaya. Mapalad ang 5, 17, 28, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Dyanam-Surya-Om.” Silver at lilac ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Hindi magiging maligaya kung laging pinaiiral ang sama ng loob. Patawarin ang kasuyong nagkasala at magsimula kayong muli. Sa pinansyal, tipirin ang pera para may maibigay sa ka-pamilyang nangangailangan. Mapalad ang 6, 17, 28, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Devasya-Ravaye-Om.” Pink at violet ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Ngayon pa lang pag handaan na ang Pasko. Iwasang magtapon ng pera sa mga walang kabuluhang bagay. Tandaang sa Holiday Season na ito higit na magpapaligaya ang pamilya kung marami kayong pera. Mapalad ang 6, 16, 22, 32, 46 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Brahma-Aum-Namah.” Violet at purple ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)— Laging magsuot ng kulay na pula. Sa ganyang paraan mas madali mong maaakit ang suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig dahil sa kulay na pula, aani ka ng masarap na romansa. Mapalad ang 3, 15, 27, 33, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at red ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Hindi ka yayaman sa sariling bayang sinilangan. Upang umunlad at lumigaya maghanap ng pagkakakitaan, sa malayong lugar. Mapalad ang 1, 13, 19, 22, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om.” Yellow at red ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Wag isiping matanda ka na! May asim ka pa rin! Bago matapos ang Nobyembre, darating ang isang nilalang na may asim pa ring tulad mo, isang masayang relasyon ang mabubuo. Sa pinansyal, tama ang iniisip na pagtitipid, pero bakit hindi mo magawa? Gastador ka kasi! Mapalad ang 4, 13, 28, 34, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Vadya.” Orange at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Mag-display ng aquarium sa entrada ng bahay. Lagyan ng 8 isdang pula at isang isdang itim, puwede dinng: 8 isdang itim at isang isdang pula. Kapag nagawa mo yan, sa pag-ibig at materyal na bagay, susuwertehin ka na. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Beejaa-Om-Avayara.” Red at black ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending