Kris naloka sa paandar ni Bimby

November 28,2017
share this

Kris naloka sa paandar ni Bimby

November 28,2017
share this

BIMBY AT KRIS AQUINO

MARAMING netizens ang natuwa sa panggagaya ni Bimby sa kanyang mama na si Kris Aquino.

Sa isang video clip na ibinahagi ng Queen of All Media sa kanyang social media account na kuha noong nagpa-block screening siya para sa “The Ghost Bride” ni Kim Chiu, mapapanood ang nakakaaliw na pakikipagchikahan ni Bimby sa kanyang ina at kay Kimmy.

Ayon sa ilang followers ni Kris, pwedeng-pwede nang magkaroon ng sariling talk show ang bagets dahil sa galing nitong magsalita at magtanong. Sa katunayan, mabilis na nag-viral ang nasabing video na umani rin ng napakaraming likes at comments.

Isang netizen naman ang nagtanong kay Kris kung madalas bang umakting si Bimby “ala Kris”. Tugon ng endorsement queen, “I don’t think you have a 10 year old – he doesn’t stop spoofing me when we are home (or any other time he feels like it) & we are having a discussion straight to my face!

“This is him being him trying to be his version of me! He can actually mimic so many people…it is actually poor Kris because I get so much of it!!! He even has a term for it – he says I AM THE MORE TRUTHFUL KRIS- patay!”

Samantala, na-excite nang bonggang-bongga ang kanyang social media followers dahil ngayong araw na ipamimigay ni Kris ang kanyang original Chanel bag tulad nang naipangako niya kapag umabot na sa 1 million followers ang kanyang official Facebook page.

Aniya sa kanyang post, “Good afternoon. No more politics for now okay? I believe my 2 thesis like posts already put where i stand on that matter to rest – my KCAP team is now ‘stalking’ your FB profiles because the Chanel bag will hopefully be delivered to you this November 28 or 29. Happy 1 million to us!

“I was asked what ‘profile’ i was looking for, and even from my ABS CBN days my staff there knew – i have an affinity w/ hard working people. And i believe that positive trait should be generously rewarded. #RealKrisAquino.”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending