Wish ng mga beki: Rocco magpasilip din ng hubad na katawan sa ‘Haplos’

By Ervin Santiago November 28,2017
share this

Wish ng mga beki: Rocco magpasilip din ng hubad na katawan sa ‘Haplos’

By Ervin Santiago November 28,2017
share this

ROCCO NACINO

Hinamon si Rocco Nacino ng mga beki niyang supporters na magkaroon din ng eksena sa afternoon series nila ni Sanya Lopez nang naka-underwear lang tulad ng ginawa niya sa isang underwear fashion show kamakailan.

Mukhang nabitin pa ang mga gay fans ni Rocco sa ipinakita niya sa nasabing event kaya nakikiusap ngayon ang mga ito na kung pwede ay rumampa rin siya sa Haplos nang halos hubo’t hubad na.

Feeling namin, kering-kering gawin yan ni Rocco pero ang tanong pumasa naman kaya sa MTRCB? Anyway, patuloy n’yo na lang tutukan ang kuwento ng Haplos sa GMA Afternoon Prime.

Malay n’yo nga, isang araw, e, muling ipasilip ni Rocco ang kanyang kakisigan at kadakilaan sa favorite serye n’yo sa hapon.

Kasama pa rin sa Haplos bukod kina Rocco at Sanya sina Thea Tolentino, Pancho Magno, Francine Prieto, Celia Rodriguez, Diva Monteleba at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending