LP walang planong patalsikin si DU30- Aquino | Bandera

LP walang planong patalsikin si DU30- Aquino

|November 27,2017
facebook
share this

LP walang planong patalsikin si DU30- Aquino

- November 27, 2017 - 05:00 PM

ITINANGGI ni dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang mga alegasyon na plano ng Liberal Party (LP) na patalsikin si Pangulong Duterte.
“Wala kami pina-plano na ganyan. Sa lahat ng nangyayari dito, kung maganda ang ginagawa niya, hindi magtatagumpay ang mga ganyan. Pero kung hindi tama ang mga nangyayari, hindi natutupad ang mga pinangako, hindi maintindihan ang sinasabi, yan ang nagki-create ng dissatisfaction. Hindi sa amin nagsisimula yun. Baka kailangang tumingin sila sa paligid nila,” sabi ni Aquino.

Ginunita ng pamilya Aquino ang ika-85 anibersaryo ng kaarawan ng kanyang yumaong amang si dating senador Benigno Aquino Jr.
Kasabay nito, sinabi ni Aquino na wala ring rason si Duterte na magdeklara na revolutionary government.
“Pinadarama pa ngayon kung gaano kalakas ang executive branch,” ayon pa kay Aquino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending