Ellen pinaglilihian si Lloydie; gamit ng baby handa na | Bandera

Ellen pinaglilihian si Lloydie; gamit ng baby handa na

Ambet Nabus |November 26,2017
facebook
share this

Ellen pinaglilihian si Lloydie; gamit ng baby handa na

Ambet Nabus - November 26, 2017 - 12:01 AM

ISANG kakilala namin na may kaibigang madalas nakakasama nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz ang nagsabing may katotohanan nga ang balitang buntis na ang sexy star.

Talaga lang daw iniiwasan ng kampo ni Ellen ang magkaroon pa ng conflict sa mga pinirmahan nitong endorsements kaya bawal itong magsalita hinggil sa estado niya. Pero asahan daw nating by 2018 ay matatapos din ito dahil mag-e-expire na rin ang mga kontrata niya na mahigpit sa “buntisan clause”.

The more exciting chismis ay yung sinasabing mismong si Lloydie raw ang napaglilihian ni Ellen. Being the only girl daw sa family ni Ellen, trip na trip daw nitong gawing “baby” ang aktor at asikasuhin nang husto na parang asawa na niya talaga.

And yes, nasa iisang tirahan na lang daw ang dalawa at happily living in as future parents, kung saan daw inilagay na nga nila ang mga gagamitin ng baby once na ipanganak na ito.

q q q

Isisilang naman ngayong Nov. 27 sa GMA 7 primetime (after ng Super Ma’am) ang Kambal Karibal nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Nag-mature na nga ang dalawang teen stars kaya medyo palaban na rin sila sa intense roles, inamin nilang malaking factor nito ang pag-grow nila together as individuals.

“Mas close po kami ngayon as friends at kahit yung families namin ganu’n din. Mas comfortable kami ngayon, mas open sa lahat,” paglalarawan ni Bianca sa relasyon nila ngayon ni Miguel as co-workers.

“Inspirasyon,” susog naman ni Miguel sa unawaan nila ni Bianca na pinangakuan daw niyang susuportahan sa lahat ng mga pangarap nito.

“Siya kasi talaga yung mas madalas kong nakakatrabaho, nakakausap, kasama, hingahan ng problema. Ini-enjoy lang namin kung anuman ang meron kami for now,” hirit pa ng gwaping na teen actor.

Sa Kambal Karibal, medyo mas daring na raw sila dahil may mga gagawin silang scenes sa serye na never pa nilang ginawa before.

“Level up na,” hirit pa nila sa mga karakter na gagampanan nila sa Kambal Karibal, lalo na sa mga mabibigat nilang eksena kasama sina Carmina Villaroel, Alfred Vargas, Marvin Agustin, Katrina Halili at sina Christopher de Leon at Ms. Gloria Romero.

q q q

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tunay namang lumabas ang pagka-bombshell ni Erich Gonzales sa kanyang latest endorsement.
First time niya itong ginawa at nag-level up na ang lahat sa aktres na umaming ang mga previous experiences niya ang nagsilbing guide at motivating factor para mag-decide siya sa nasabing project.

“Ganyan marahil ang epekto ng nasasawi o di kaya ay inspired sa love. Hindi lang gumaganda lalo kundi nag-iiba rin ang outlook sa buhay,” sey ng isang observer.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending