Horoscope, November 26, 2017 | Bandera

Horoscope, November 26, 2017

Madam Sophia |November 26,2017
facebook
share this

Horoscope, November 26, 2017

Madam Sophia - November 26, 2017 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Bagamat may lungkot na nadarama, pagpasok ng Disyembre may darating na bagong ligaya. Sa pag-ibig may masarap na romansang mararanasan. Sa pinansyal malapit ng mahawakan ang malaking halaga ng salapi. Mapalad ang 2, 19, 23, 38, 41at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om-Bodhana.” Orange at blue ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Madaragdagan ang gastusin, dahil malapit na naman ang kapaskuhan, kailangang magtipid. Sa pag-ibig, ipayapa ang isipan, nasa mabuting kalagayan ang minamahal. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra.” Blue at apple green ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Wag ka ng malungkot at mag-alala. Nakita ng nasa itaas ang kabutihan ng iyong loob at mga pagtulong na yong ginagawa. Inilista ng langit ang iyong pangalan sa mga pagkakalooban ng suwerte at magandang kapalaran. Kapag may sumobrang suwerte sa iyong matatanggap, ipamigay mo sa mga mahihirap, upang lalo pang dumami ang mga biyayang darating sa iyo. Mapalad ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Durate-Rebus-Rebus-Durate.” Red at white ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Wag pang hinaan ng loob. Kung lalakasan mo lang ang iyong loob, noon ka pa sana – mayaman! Sa pag-ibig, lakas din ng loob ang susi upang ikaw ay lumigaya. Mapalad ang 5, 19, 28, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Purana-Om.” Blue at gray ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Huwag umasa sa iba, nasa sarili mong pagsisikap ang iyong ikauunlad. Sa pag-ibig ikaw ang dapat magsikap upang muling uminit ang pakikipag-relasyon sa isang Scorpio. Mapalad ang 1, 5, 19, 28, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal.” Yellow at white ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Kapag nahawi na ang mga problema, may mas malaking halaga ng salapi na darating. Sa pag-ibig, umiinit ang pakiramdam ng kasuyo yayain siya sa isang pribadong lugar at doon kayo magpahangin. Mapalad ang 7, 18, 27, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Green at yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Upang sumarap ang pasok ng Disyembre, lambingin ang kasuyo tuwing sasapit ang madaling araw. Sa pinansyal, tulad ng nagdaang mga araw, tuloy-tuloy ang dating ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 6, 15, 23, 33, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Arantayanan-Kebanam.” Blue at pink ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Mas mabilis na uunlad kung patuloy kang magpapakumbaba. Sa pag-ibig, wag masyadong maangas upang hindi mainis sa iyo ang kasuyo. Mapalad ang 7, 16, 24, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Om-Om Padma.” Beige at violet ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Wag tatamad-tamad, sa halip dagdag na sipag ang dapat upang mas mabilis na kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, dagdagan ng init ang pakikipag-romansa sa kasuyo upang hindi ka nya palitan. Mapalad ang 5, 8, 28, 33, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Red at purple ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa simpleng buhay mas magiging maligaya ang karanasan. Sa pinansiyal, tigilan na ang pag-iisip kung paano yayaman, kusang darating yan! Sa pag-ibig, wag ng isama ang kasuyo sa pagsha-shopping, magugulo lang ang diskarte mo. Mapalad ang 5, 14, 23, 36, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Gosvami-Om.” Green at white ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Wag ma-guilty sa mga bagay na hindi natapos. Sabihin sa sarili, “yan lang ang nakayanan!” Sa pag-ibig, kung laging nagre-request ng kung ano-ano ang kasuyo, ipaliwanag sa kanyang, hindi mo yon kayang gawin o hindi mo yon kanyang ibigay. Mapalad ang 6, 15, 28, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om”. Pink at gold ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Paikot-ikot lang ang kapalaran. Ngunit mamangha ang mga naiingit at umiintriga sa iyo. Paghinto ng gulong ng kapalaran, makikita ka nilang nasa ibabaw, habang sila ay nasa ilalim. Ang kakaiba, hindi na makakalis sa ilalim ang iyong mga lihim na kaaway. Mapalad ang 7, 16, 24, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Blue at silver ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Upang suwertehin iwasang topakin. Batiin ang bawat araw na puno ng pag-ibig ang puso. Sa pinansyal, ngitian ang bawat makakasalubong sa daan, isipin mong darating ang panahong maaari mo silang pagkakitaan. Mapalad ang 1, 19, 28, 32, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Saguna-Satura-Sahatma.” Violet at orange ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending