Jennylyn ala-Magdalena sa tv show ni Pacman | Bandera

Jennylyn ala-Magdalena sa tv show ni Pacman

|November 26,2017
facebook
share this

Jennylyn ala-Magdalena sa tv show ni Pacman

- November 26, 2017 - 12:05 AM

BIBIDA ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa isa na namang episode ng GMA inspirational anthology Stories For The Soul.

For its second episode ngayong Linggo, the program features how to overcome human judgement through God’s grace in a story inspired by Mary Magdalene.

Gagampanan ni Jennylyn ang karakter ni Lena, isang model student na napakaraming pangarap sa buhay ngunit napilitang magbenta ng katawan nang magkasakit ang kanyang inang si Viring (Elizabeth Oropesa).

Inilihim ni Lena ang kanyang trabaho sa lahat para lang matustusan ang medical expenses ng kanyang ina at mabigyan ng magandang kina bukasan ang kapatid na si Popoy (Jacob Briz). Desidido rin siyang maka-graduate sa college dahil nais na rin niyang talikuran ang pagiging prostitute.

Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag. Paano haharapin ni Lena ang paghusga ng mga taong nakapaligid sa kanya? At mapapatawad pa kaya niya ang kanyang amang si Henry (Julio Diaz) na naging dahilan ng kanyang pagdurusa?

Kasama ang host ng programa na si Sen. Manny Pacquiao, alamin kung ano ang kahihinatnan ng buhay ni Lena sa Stories for the Soul this Sunday, 11:35 p.m., pagkatapos ng Bossing And Ai sa GMA Sunday Grande.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending