Sid game makatrabaho si Alex kahit may 'hugot' | Bandera

Sid game makatrabaho si Alex kahit may ‘hugot’

Reggee Bonoan |November 26,2017
facebook
share this

Sid game makatrabaho si Alex kahit may ‘hugot’

Reggee Bonoan - November 26, 2017 - 12:15 AM


ISA na namang mapaghamong papel ang bibigyang-buhay ni Sid Lucero sa pelikulang “Smaller And Smaller Circles” mula sa best-selling novel ni F.H. Batacan.

Gagampanan niya ang karakter ni Father Jerome Lucero na katulong ni Nonie Buencamino bilang si Father Gus Saenz sa paglutas ng mga nagaganap na patayan sa Payatas.

Ayon kay Sid, medyo sensitibo at kontrobersyal ang kuwento ng “Smaller And Smaller Circles” kaya inaasahan na nila ang iba’t ibang reaksyon ng mga manonood nito, lalo na ang mga taga-Simbahan o mga Katoliko.

Nakakuha ng PG-13 mula sa MTRCB ang pelikula at kailangang mapanood din daw ito ng mga kabataan para maging aware sila sa mga nangyayari sa kanilang paligid.

Samantala, ilang beses nang gumanap na pari si Sid kaya tinanong namin kung anong bagong challenge sa kanya ng nasabing role.

“May challenge pa rin of course as always parang the first film, nakakakuha ako ng confidence in the years that I’ve been working but it does not help in attacking the new project, it’s only help me get to the set with a smile.

“Hindi ko minamani ang role, if looks like that, I take it as a compliment, pero hindi siya mani lang,” nakangiting sagot niya sa amin.

Oo nga, effortless si Sid sa mga karakter na ginagampanan niya ke mabuti o masama ang papel niya.
Ang ganda rin ng papel ni Sid bilang si Catindig sa FPJ’s Ang Probinsyano na trusted assistant ni Angel Aquino (Oligario) pero tila nagdo-double cross siya dahil may konek din siya kay John Arcilla (Hipolito).

Sabi ng aktor, “Sa katotonahan ako panig. Ha-hahaha!” Sa katagalan daw ay baka ibuking na niya ang kasamaan ni Hipolito.

Pagdating sa lovelife ay masaya raw ang aktor ngayon, sabi nga niya, “Lovelife is great.”

Tinanong namin kung hindi pa rin sila okay ng ex-girlfriend niyang ni Alessandra de Rossi dahil nu’ng banggitin ni Carla Humphries (co-star niya sa ‘Smaller Circles) ang pangalan ng aktres ay bigla siyang tumawa.

“It’s because the way she’s (Carla) answering the question is very candid and the moment she said ‘Alex’ I think she’s uncomfortable bringing it up, so we all laugh,” katwiran ni Sid.

Simula kasi nu’ng naghiwalay sina Sid at Alessandra ay hindi pa nabalitaang okay na sila.

“Nagkita kami sa Urian and I said ‘hello’ how can I say not,” saad ng binata.

Tinanong namin kung okay bang magkatrabaho sila ng aktres lalo’t may mga natapos na itong script na isasapelikula na anytime.

“Professionalism will never go away, kung kukunin niya ako, okay lang.

“I don’t know if I can be as natural as I want to be kasi siyempre there’s this question at the back of your head that you don’t wanna like things to be, I think I can. Honestly, I really don’t care about it, I really don’t give a sh**t!”diretsong sabi ni Sid.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At sa tanong kung aware siyang may special friend na si Alessandra, “Special friend? Of course I knew it, kaibigan ko si Marc (Abaya), but of course hindi naman ako nagtatanong. That’s not my thing,” sabi ni Sid.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending