Makapag-aasawa pa bang muli? (2)

By Joseph Greenfield November 25,2017
share this

Makapag-aasawa pa bang muli? (2)

By Joseph Greenfield November 25,2017
share this

Sulat mula kay Margie ng Catabban, Burgos, Isabela
Problema:
1. Maganda naman sana ang pagsasama namin ng mister ko kung hindi lang ako nag-aplay sa abroad. Nito kasing February 2017 nagsimula akong mag-aplay sa abroad, kaya lang na illegal recruiter ako, kaya yong perang naloko sa akin pinangutang lang namin ng mister ko kung saan-saan. Simula nang naubos yon, lagi na kaming nag-aaway at si-nisisi nya ako. Hanggang sa magkahiwalay na kami. Dalawa ang aming anak isang lalaki at isang babae. Yong lalaki nasa kanyang pangangalaga at iyong babae naman ay nasa akin. Tapos namasukan akong katulong at sa ngayon hirap na hirap ako kasi maliit lang ang suweldo, maaga pa lang gumigising na ako, tapos minumura pa ako ng aking amo at kung ano-anong utos ang pinapagawa sa akin. Gusto ko na sanang umalis dito ang kaso wala naman akong malilipatang iba.
2. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung sa ganitong kalagayan ng buhay ko may pag-asa pa kaya akong umunlad at kung mag-aasawa akong muli susuwertehin kaya ako para may makatuwang ako sa buhay? O baka naman magkakabalikan pa ba kami ng mister ko? November 14, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Margie ng Isabela
Astrology:

Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) ang nagsasabing lakas ng loob ang susi upang ikaw ay magtagumpay at lumigaya. Kaya nga kung aalis ka na dyan sa kasalukuyan mong amo at lalakasan mo ang iyong loob upang muling sumubok na mag-abroad, tiyak ang magaganap, makapag-aabroad ka at doon sa ibang bansa muli kang makapag-aasawa.
Numerology:
Ang birthdate mong 14 ay nagsasabing sa iyong pangingibang bansa, makakakilala ka ng isang foreigner na mayama na mas matanda sa iyo ng 10 taon at siya ang ikalawang lalaking iyong mapapangasawa na mag-aahon sa iyo sa kahirapan at magbibigay sa iyo ng maginhawang pamumuhay.
Luscher Color Test:
Upang mapanatili ang magandang kapalaran kahit na ikaw ay nasaan mang lugar, lagi kang gumamit at magsuot ng kulay na pula, silver at gray. Sa pamamagitan ng nasabing kulay, tuloy-tuloy ng mapapasaiyo ang magandang kapalaran.
Huling payo at o paalala:
Margie kung hindi ka man natuloy at na-illegal recruiter ka sa unang pagtatangka na makapag-abroad, sa ikalawang pag-aaplay sa abroad at sa ikalawang pag-aasawa, susuwertehin ka na. Basta mag-aplay ka uli, sa susunod na taong 2018, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran at sa ibang bansa mo na rin matatagpuan ang ikalawang lalaking mapapangawa mo at mag-aahon sa iyo sa kahirapan at magbibigay sa iyo at sa iyong anak ng isang masarap at marangyang karanasan habang buhay.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending