Horoscope, November 25, 2017

By Madam Sophia November 25,2017
share this

Horoscope, November 25, 2017

By Madam Sophia November 25,2017
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Sa panahong sagana, wag kalimutang tumanaw ng utang na loob sa mga taong nakakatulong sa iyo, upang magpatuloy ang dating ng suwerte. Sa pag-ibig yayaing lagi ang kasuyo sa mga gawaing magpapalakas ng libido at pananampalataya. Mapalad ang 7, 15, 22, 32, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Vai-Nava.” Maroon at beige ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Sa pag-ibig, kahit na mahilig kumontra ang kapareha, hindi mo siya dapat itsapuwera. Sa pinansiyal, mag-combine force kayo ng kasuyo upang masimulan ang negosyong may kaugnayan sa pagkain at sa produktong pampasko. Mapalad ang 5, 18, 23, 34, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Sukadeva-Mantra-Mantra-Sukadeva.” Violet at purple ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Arugain ang mga taong lagi mong nakakasama sa ngayon pagdating ng araw sila rin ang tutulong sayo. Sa pinansyal, kung nagigipit, wag mahiyang lumapit sa isang Virgo. Sa pag-ibig, isang naka-white na kakilala ang lihim na nagkakagusto sa iyo. Mapalad ang 9, 18, 25, 35, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Om.” Pink at red ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Iwasang masira ang araw, umiwas sa pakikipagtalo. Kahit hindi mo gusto ang suwestsyon ng kasuyong umoo ka na lang ng umoo. Sa pinansyal, hihina ang kita kung natatakot at nagdadalawang isip ka. Kailangang mabuo ang iyong loob upang tumabo ng malakng halaga. Mapalad ang 3, 9, 27, 25, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Maroon at lilac ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Maglaan ng budget para sa pagbabakasyon. Masarap gumimick ngayong kapaskuhan. Sa pag-ibig bitbitin ang kasuyo sa pamamasyal. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shanti-Om.” Blue at pink ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Hindi ka kikita ng malaking halaga kung magsusungit ka. Sa pag-ibig, wag awayin ang kasuyo at pagkatapos ikaw na naman ang hihingi ng sorry. Mapalad ang 7, 18, 29, 39, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Rama-Om!” Blue at pink ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Habang sagana, umpisahan ng mag-ipon at magpundar. Hindi paramihan ng pera o suweldo ang labanan, kundi paramihan ng ipon. Sa pag-ibig kung sino ang maraming pera, siya ang higit na mas magiging maligaya. Mapalad ang 6, 17, 23, 25, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Red at beige ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Ang hina ng loob ang hadlang kaya hindi ka umunlad. Sa pag-ibig, alisin ang pagiging mahiyain upang ikaw ay lumigaya. Para makuha ang nais laging sabihin sa sarili: “Matapang Ako.” Mapalad ang 2, 7, 24, 34, 44, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Amor-Cito-Om.” Red at green ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Walang mangyayari sa buhay kung maghihintay ng suwerte. Hard work ang kailangan. Itago ang lahat ng malilikom na pera, palaguin ito at gamitin sa negosyong may kauganan sa produktong butil. Mapalad ang 1, 7, 18, 25, 28, 43. Mahiwaga mong mantra: “Name-Narada-Name-Nirayana”. Green at yellow ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Mamayang gabi, sa harap ng altar magsindi ng kadilang pula, yayain ang kasuyo na magdasal. Sa ganyang paraan, maraming grasya ang darating at lalo pang mas maging maligaya at titibay ang inyong relasyon. Mapalad ang 1, 19, 22, 36, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Gosvami-Gosvami-Jiva.” Bukod sa red buenas ang lilac.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Kailangan ang dagdag na pahinga upang magbalik ang sigla. Umuwi muna sa probinsiyang sinilangan upang makapagg-relaks. Sa pag-ibig, laging isama ang kasuyo, saan man magpunta. Mapalad ang 5, 16, 25, 34, 40, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Purana-Visnu.” Green at orange ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Iwasang gumawa ng mali na maaaring pagsisihan habang buhay! Hindi madadaan sa pandaraya ang mga bagay-bagay. Sa pag-ibig, wag dayain ang kasuyo upang bumuti na ang iyong love life. . Mapalad ang 2, 7, 19, 29, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Aum-Harim.” Maroon at green ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Ingatan ang natitirang salapi! Wag kang gastos ng gastos ng walang kabuluhan. Itagong mahigpit ang 13th month pay at bonus upang hindi matiktikan ng mga mangungutang. Mapalad ang 1, 10, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Siva-Krisna-Krisna-Siva.” Yellow at lilac ang buenas.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending