Male personality matagal nang pantasya ng mga beki, nagmumura lagi ang ‘bukol’

By Cristy Fermin November 25,2017
share this

Male personality matagal nang pantasya ng mga beki, nagmumura lagi ang ‘bukol’

By Cristy Fermin November 25,2017
share this


KILIG na kilig ngayon ang mga becki dahil sa isang male personality na matagal na nilang pinag-iisipan na sobrang “blessed.” Kitang-kita raw kasi ‘yun kapag napapanood nila ang guwapong aktor sa kanyang mga serye.

Magaling umarte ang aktor, guwapo rin siya, kaya niyang makipagsabayan sa pag-arte kahit kanino diyan pero hindi lang siya nabibigyan ng magandang proyektong siya ang bumibida.

“Mata pa lang niya, e, ulam na! Napakaganda ng mga mata niya, saka lalaking-lalaki talaga ang tindig niya! Naalala ko ang isang closet queen na nakaeksena niya sa isang serye.

“Tuwang-tuwa ‘yung kloseta kapag alam niya na marami silang gagawing eksena ni ____ (pangalan ng pinagpalang aktor). Ganado siya, halatang-halatang type niya ‘yung male personality.

“Kasi naman, lalaking-lalaki siya at siyempre, dahil closet queen si actor, ramdam niya na talagang blessed ang kaeksena niyang artista. Malakas kasi ang charisma ni male personality, nakapanghahalina siya,” kuwento ng aming source.

Dati kuno, nu’ng madalas pang gumawa ng mga stageplay ang male personality na ito, ay nakaabang din ang mga becki niyang kasamahan kapag rehearsal nila.

“Paano, naka-shorts lang siya! Manipis lang ang shorts niya, kaya mararamdaman ang pagkalembang ng armas niya na mukhang nag-uumalpas palabas sa suot niyang shorts.

“Naku, ang mga becki, namumula ang mga hasang! Guwapo na nga naman ang kaharap nila, e, napaka-blessed pa. Parang siguradong-sigurado sila na ang address ng aktor, e, Dakota Harrison.

“Madaling hulaan kung sino ang male personality na ito na may maipagmamalaking sandata. Paganahin n’yo lang ang pakiramdam n’yo, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, napakadali lang.

“Si kuwan ‘yun, siya nga, si kuwan ‘yun! Guwapo na, e, blessed pa, getlak n’yo na kung sino siya?” pagtatapos ng aming impormante.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending