Carmina, BB nagkrus ang landas sa gym: Parang old friends lang!

By Ervin Santiago November 25,2017
share this

Carmina, BB nagkrus ang landas sa gym: Parang old friends lang!

By Ervin Santiago November 25,2017
share this


AKSIDENTENG nagkita sina Carmina Villarroel at dating asawang si Rustom Padilla, na mas kilala na ngayon bilang si BB Gandanghari.

Kuwento ni Carmina sa presscon ng bago niyang teleserye sa GMA 7, ang Kambal Karibal, sa isang gym sa The Grove, Rockwell muling nagkrus ang landas nila ni BB. May nirentahan daw kasing condo unit doon ang model-businesswoman habang may sariling unit naman sina Carmina at Zoren Legaspi sa nasabing lugar.

“Doon ako nagdyi-gym and, apparently, doon din pala siya nagre-rent. So, nagkita kami sa gym, kasama ko ang kambal (Cassy and Mavy) pati si Zoren,” kuwento ni Mina na nagbabalik muli sa Kapuso Network.

“Kay Zoren, wala namang problema dahil nagka-work na sila together, so mas sila ang nagkakachikahan. Tapos, ‘Uy, si Carmina nandiyan.’ Lumapit siya sa akin, hi and hello lang. Wala, parang ano lang, old friends,” pahayag pa ng aktres.

BB rin daw ang tawag niya sa dating asawa, “E, yun ang name niya. Wala, parang lahat happy. Alam n’yo sa akin, kung saan siya maligaya, du’n na ako. Whatever makes her happy, kasi sobrang maligaya na ako sa buhay ko, so I just wish her well.”

Samantala, for the first time, gaganap na nanay ng kambal sa isang serye si Carmina, dito nga sa Kambal Karibal na isang heavy drama. Kaya natanong siya kung nakakahugot na siya sa tunay na buhay kapag kailangan na niyang tumodo sa iyakan.

“Nakakaiyak pa naman ako! “Hindi ko kaya yung humuhugot ako from my personal life. Kasi ang saya-saya ko, ano pa ba ang puwede kong. I’m not saying na my life is perfect, pero wala namang kaiyak-iyak.

“Ever since, kapag umaatake ako sa mga roles ko, dinadama ko lang ang role ko. Noong pilot week yata, wala na akong ginawa kundi umiyak nang umiyak. Pero siguro madali rin para sa akin kasi nanay. Tapos, yun nga, namatayan pa ng mga anak,” paliwanag ni Carmina.

Makakasama niya sa Kambal Karibal sina Jean Garcia, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Carmina Villaroel, Gloria Romero, at Christopher de Leon, with Jeric Gonzales, Rafa Siguion Reyna, Sheree, Racquel Montessa, with the special participation of Katrina Halili and Gardo Versoza. Ito’y sa direksyon ni Don Michael Perez.

Mapapanood na ito sa Lunes, Nov. 27 sa GMA Telebabad!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending