Madlang pipol todo-suporta kay Rachel sa online voting

November 25,2017
share this

Madlang pipol todo-suporta kay Rachel sa online voting

November 25,2017
share this


MAPAPANOOD na ang pinakaabangang 66th Miss Universe pageant live mula sa The AXIS at Planet Hollywood Resort & Casino sa Las Vegas, Nevada ngayong Lunes, 8 a.m. sa ABS-CBN.

Handang-handa na nga ang pambato ng Pilipinas na si Rachel Peters na makipagtagisan ng ganda at talino sa 90 iba pang naggagandahang mga kandidata mula pa sa iba’t ibang panig ng mundo para maiwui ang ikaapat na Miss Universe crown ng bansa.

Agaw-eksena na si Rachel sa ginanap na preliminary swimsuit at evening gown competition suot ang kanyang Yamamay swimsuit at eleganteng gold gown.

Ginulat din ni Rachel ang Pinoy pageant fans sa national costume show kung saan rumampa siya sa Sarimanok-inspired costume na likha ni Val Taguba. Ang Sarimanok ay simbolo ng mabuting kapalaran para sa mga Maranao.

Tulad ng inaasahan, todo-suporta ang mga Pinoy kay Rachel sa online voting ng Miss Universe. Tuloy-tuloy nga ang kanilang pagboto sa Miss Universe website at walang tigil din ang pag-tweet gamit ang hashtags na #MissUniverse and #Philippines.

Muling nagbabalik si Steve Harvey bilang host kasama si Ashley Graham, habang magsisilbi naman bilang judges sina Ross Matthews, Jay Manuel, Lele Pons, Megan Olivi, Wendy Fitzwilliam at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Nakatakda ding magtanghal ang international stars na sina Fergy at Rachel Patten.

Huwag palalampasin ang most beautiful day in the universe at panoorin ang 66th Miss Universe pageant live mula sa Las Vegas ngayong Lunes sa ABS-CBN. Mapapanood din ang primetime replay nito sa Sunday’s Best ng ABS-CBN sa Dec. 3 at Dec. 4 sa Lifestyle.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending