Franchise ng ABS-CBN tatagal pa hanggang 2020

By Ronnie Carrasco III November 25,2017
share this

Franchise ng ABS-CBN tatagal pa hanggang 2020

By Ronnie Carrasco III November 25,2017
share this

HABANG tinitipa namin ang kolum na ito’y on standby kami sa reply ni Kane Choa, ABS-CBN’s Corporate Communications Head.

Out of courtesy kasi ay tinext muna namin si Kane if we could possibly give him a ring but sans mention why we eagerly wanted to talk to him.

After more than an hour nang wala kaming natatanggap na reply, we decided to ring him up. But his mobile phone just kept ringing.

Pakay ng pagtawag namin kay Kane was to get his statement—official or otherwise—tungkol sa nakalap naming balita on President Digong Duterte’s alleged decision not to renew the network’s franchise. Of course, ang ugat nito’y ang ‘di pag-ere ng political ads ni Digong though paid noong kasagsagan ng 2016 election season.

Buo na raw ang pasya ni Digong na ipasara ang ABS-CBN, and the ill-fated closure will take place in 2019.

Attendant to this ay ang ‘di na umano pagtanggap ng mga aplikante ng Dos, at the same time ay ang paghanap-hanap na rin ng ibang employment prospects ng mga tauhan doon.

The piece of unconfirmed news struck as a déjà vu. Time was when the network faced the same consequence, ‘yun ‘yung nasa ilalim ang bansa ng liderato ni Ferdinand Marcos only to spring back in operations after Tita Cory Aquino was installed to power.

Dahil bigo kaming makuha ang panig ni Kane, we had to settle for another source, kaso ay huwag na lang daw namin siyang pangalanan.

“Truth is, ABS-CBN’s franchise ends in 2020, not in 2019. And like any other broadcasting network, even telecomm companies, nag-a-apply ng renewal. May pinagdadaanang proseso tulad sa Congress. I cannot divulge the details, but there’s no reason for alarm,” sabi ng aming nakausap, also a network insider.

Between and now and 2020 ay marami pang magaganap. Digong may have a change of heart, too. Eh, kalat na kalat nga sa social media ‘yung pahayag niya noong 2013 that he wouldn’t run for President, anyare?

q q q

Celebrity Bluff acknowledges the fact that the essence of Christmas is sharing one’s abundant blessings.

Maaga pa lang kasi—as in its tonight’s episode—ay pangungunahan ng programa ang mapusong paghahandog ng tulong ng mga celebrity players sa mga magsisilbi nilang kakampi. Glaiza de Castro has her driver Sonny, Kris Bernal with cousin Angelika and Sanya Lopez with her fan Irene.

Kung may pusong matutuwa, may tiyan ding sasakit as Edu Manzano unleashes his brand of comedic hosting para makipagsabayan kina Boobay at Brod Pete.

For sure, sinumang team ang magwawagi (hopefully ng jackpot prize na half a million pesos) ay hindi mag-aatubiling ibigay ‘yon kay Sonny, Angelika o Irene.

What else can we say kundi good luck to the players?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending