Horoscope, November 24, 2017 | Bandera

Horoscope, November 24, 2017

Madam Sophia |November 24,2017
facebook
share this

Horoscope, November 24, 2017

Madam Sophia - November 24, 2017 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Magsuot ng kulay na pula. Makikita mo, susuwertehin ka! Kapag nakasuot ng pula, kusang mahihigop ang maraming pera. Sa pag-ibig, kapag nakapula, lalo kang guguwapo o kaya’y lalo kang gaganda. Mapalad ang 9, 18, 25, 24, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Raga-Kashta-Raga-Om.”

Aries – (Marso 21-April 19) — Sa pagdedesisyon ng mas maaga ay mas malaking salapi ang makukuha. Sa pag-ibig, markahan na ang kalendaryo para sa binabalak na pagde-date habang papalapit na nang papalapit ang kapaskuhan. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Violet at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Sa maling desisyon ay mauubos ang pera. Bago magpautang sa isang kakilala, kilatisin munang mabuti kung may kakayahan ba siyang makabayad. Sa pag-ibig, hangga’t hindi napapanatag ang puso sa iisang karelasyon, walang permanenteng ligayang makakamit. Mapalad ang 4, 10, 29, 34, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Araanam-Kebanam.” Pink at yellow ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Isang kaibigan ang mangangailangan ng tulong. Naramdaman kasi niya na marami kang pera. Tama ang iniisip mo, pagtaguan siya, kaysa hindi ka na naman mabayaran! Sa pamilya, ngayon pa lang paglaanan na ang budget para sa Holiday Season. Mapalad ang 3, 18, 27, 29, 31, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vah-Weh.” Green at yellow ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Sa pagkakataong ito magtiwala sa mga kaibigan, sa pamamagitan ng tulong nila ay titiba ka nang malaking halaga. Sa pag-ibig, wag paghinalaaan ng hindi maganda ang kasuyo, upang hindi masayang ang masayang relasyon. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Padma-Aum-Purana.” Gray at red ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Hindi dapat kainipan ang magandang kapalaran. Pagpasok na pagpasok ng Disyembre kusang darating ang mga oportunidad na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, inip nnag naghihintay ang isang Scorpio, sunggaban na agad siya. Mapalad ang 7, 16, 21, 39, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Tetra-Aum-Malka.” Green at silver ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Tulad ng dati madalas kang magkapera pero madali namang nauubos. Walang ibang solusyon kundi ang magtipid! Sa pag-ibig, may tampuhan upang muling magkabati. Paikot-ikot lang ang mga pangyayari kaya hindi dapat malungkot! Mapalad ang 5, 9, 27, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Trik-Padha-Vik-Bhuti-Om.” Lilac at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Iwasang maging pusong mamon, mas mainam na ang maging pusong bato! Sa pag-ibig, wag basta-basta magtampo sa kasuyo. Sa pinansyal, kung hindi ka pinautang wag magdamdam, lumapit sa iba pang kaibigan tulad ng isang Virgo. Mapalad ang 3, 21, 24, 30, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Speculum-Om-Homine.” Lilac at white ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pag-ibig, maging mahinahon upang mapanatili ang masarap na relasyon. Tandaang “love at lust” ang susi upang magtagumpay at lumigaya ang isang Scorpio. Mapalad ang 3, 18, 24, 27, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Pink at orange ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Simulan ang araw sa pananalangin. Sa ganyang paraan maraming suwerte at magandang kapalaran ang darating. Sa pag-ibig, ngitian ang kasuyo upang agad mapapawi ang kanyang problema at pagod. Mapalad ang 2, 16, 25, 28, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Vidya-Om.” Green at blue ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa pag-ibig, ibunyag ang nilalaman ng puso nang lubos kang lumigaya. Ilihim sa kasuyo ang mga naiipong pera upang ito ay lalo pang dumami at lumago. Mapalad ang 1, 20, 29, 33, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Green at red ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pag-ibig, sa umpisa lang tama ang ginagawa, pero sa bandang huli, pagluha lang at kabiguan ang mapapala. Upang makamit ang inner peace at happiness, hindi ikaw ang dapat magpasya sa iyong buhay kundi ang kasuyong Libra. Mapalad ang 1, 9, 28, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum.” Green at gold ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Hindi maganda ang maraming pangarap, mabibigo ka lang. Isang pangarap lang muna at kapag nakamit mo na, mangarap uli ng iba. Sa ganyang paraan, paisa-isa lang muna, mas madali kang magtatagumpay at liligaya. Mapalad ang 7, 16, 24, 33, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Amara-Ananda-Marga.” Lilac at purple ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending