Mr. D., Mr. A matindi na ang away

By Den Macaranas November 24,2017
share this

Mr. D., Mr. A matindi na ang away

By Den Macaranas November 24,2017
share this

NAUWI na sa personalan ang away ng dalawang mambabatas na kailan lang ay nagbangayan sa harap ng media.

Sinabi ng aking Cricket na nagdagdag na ng security personnel si Mr. D. dahil may death threats na siyang natatanggap mula nang magsalpukan sila ni Mr. A.

May nakarating kasing impormasyon sa kampo ni Mr. D na naglaan ng pondo ang mga kaalyado ni Mr. A para siya ay ipapatay.

Yes, ganoon na katindi ang kanilang away dahil ang pakiramdam umano ni Mr. A ay sagad na ang pang-iinsulto na inaabot niya mula sa mga kapwa mambabatas dahil sa kagagawan ng kanyang kalaban sa loob ng august chamber.

Mas lalong naging mainit ang kanilang bangayan nang mag-file ng reklamo kontra sa isa’t isa ang nasabing mga elected officials.

Mas magiging kritikal para kay Mr. A ang first quarter ng 2018 dahil baka maalis siya sa roster ng mga mambabatas.

Mabigat kasi ang isinampang complaint sa kanya ni Mr. D na posibleng maging dahilan ng pagkawasak ng kanyang political carreer.

Dahil sa mga banta sa kanyang buhay ay humingi na rin ng tulong sa PNP at National Bureau of Investigation si Mr. D kasabay nang paghihigpit sa kanyang mga schedules.

Sa mga susunod na araw ay baka isapubliko na ng opisyal ang detalye ng mga banta sa kanyang buhay depende yan sa kalalabasan ng mga paunang imbestigasyon ng PNP at NBI.

Sa ngayon ay doble ingat muna si Mr. D dahil ibang klaseng halimaw daw ang kanyang nakabangga.

Ang mambabatas na doble ang seguridad sa kasalukuyan ay si Mr. D…as in Dikya at ang kanyang nakabanggan naman ay si Mr. A…as in Antibiotic.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending