Rider pisak sa trak

By Leifbilly Begas November 23,2017
share this

Rider pisak sa trak

By Leifbilly Begas November 23,2017
share this
Patay ang lalaking naka-motorsiklo nang sumemplang at masagasaan ng 10-wheeler truck sa isang tulay sa Bago City, Negros Occidental, Huwebes ng umaga, ayon sa pulisya.
Dead on the spot si Jonathan Lim, 39, residente ng Sipalay City, ayon sa ulat ng Negros Occidental provincial police.
Naganap ang insidente sa Sibud Bridge, na nasa Purok Violetas, Brgy. Balingasag, dakong ala-1:40.
Minamaneho ni Lim ang motor pa-timog, nang sumalpok sa signage na nagsasabing under construction ang tulay, ayon sa ulat.
Dahil doo’y sumemplang at dumulas sa kabilang bahagi ng kalsada si Lim, hanggang sa masagasaan ng kasalubong na Fuso truck, na may kargang tubo (sugarcane) minaneho ni Edmar Hoyohoy, 36, ayon sa pulisya.
Boluntaryong sumuko sa pulisya ang truck driver at kasalukuyang nakaditine sa Bago City Police Station. (John Roson)
– end –

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending