Anyare, Koko Pimentel?

By Lito Bautista November 24,2017
share this

Anyare, Koko Pimentel?

By Lito Bautista November 24,2017
share this

KAHIYA-hiya ang magkunwari. Kung maililigaw ko sila sa aking pagkukunwari at sandaling buhay na ito, magdadala lang ako ng kahihiyan sa aking pagtanda. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (2 Mac 6:18-31; Slm 3:2-3, 4-5, 6-7; Lc 19:1-10) sa paggunita sa Pagdadala sa Mahal na Birhen sa Templo.

Ayaw matuto, mga politiko. Talamak pa rin ang pagkukunwari, mapadilaw, mapa-Duterte (bagaman si Duterte ay naghahanda na sa kanya pagtanda at umiiwas akusahang mapagkunwari, rin). Pero, maraming mapagkunwari, at nagmalinis, sa administrasyong Aquino. Sila’y halamang nalalanta – at nakakasuhan. Di naghanda. Di natuto.

Tumataas ang insidente ng holdapan at nakawan sa North Caloocan, lalo na sa Bagong Silang, ang natatanging barangay sa Metro Manila na ayaw maghatid ng pasahero ang taxi kahit araw. Sa gabi, motorsiklo ang hinaharang o ninanakaw. Alam din ng mga holdaper ang mga bahay na may OFW sa ME o HK, kaya’t pinapasok ito.

Panahon na ng remittance. Maliit lang ang suweldo ng OFW. Karaniwan, P20,000. Kahit P10,000 ay tina(ta)ngay, pagkatapos pasukin ng mga holdaper ang bahay at tutukan ng baril ang mga dinatnan. Wala nga namang mahoholdap na P10,000 sa jeepney dahil marunong na ang mga pasahero. May nakahandang pambigay sa holdaper, kahit P40.

Driving attitude kung ilalarawan sa Ingles ang ginawa ni Maria Isabel Lopez. Napakapeligroso ang asal na ito. Walang kinikilalang paggalang at pagsunod sa batas. Ang masakit, senior citizen na siya. “Magdadala lang ng kahihiyan sa pagtanda,” anang Pagninilay sa Unang Pagbasa ng ating Ebanghelyo. Pakapalan na lang ng mukha kung palalampasin ang ganitong asal. Kung papayagang muling makapagmaneho, bawasan na lang ng numero kodigo ang kanyang lisensiya: yung pang-motor, at sa ARMM na lang.

Buhay pa rin ang ISIS sa Mindanao, kahit marami sa kanila ang napatay sa Marawi. Naroon ang poot, ang balak na paghihiganti at muling pagsiklab ng ibang uri ng terorismo. Malakas ang tulong ng Indonesia, Singapore at Malaysia. Mas marami sila kesa ME extremists. Magtatagumpay lamang ang gera kontra terorismo kung maraming bilang ng Moro ang tatanggihan ang extremista.

Hindi dapat manlumo ang kapitalista ng pahayagan. Buking na ang kahinaan (at katangahan) ng malilikot sa social media. Di sila sinusundan dahil matalino sila. Kung tutuusin, little learning pa nga. Sinusundan dahil nakatatawa sila, mababaw na pagmumulat, ridiculous o buladas-engot. Ang journalist ay gumagawa ng panayam para palawakin at palalimin ang istorya, tulad ng pulis na tinatanong ang mga testigo at tambay. Ang araw-araw na pagsusulat ng Watergate ay di kaya ng karaniwang blogger (bagaman wala pang sm noon). Kaya di nila mapababagsak ang isang pangulo.

Anyare, Koko Pimentel? Napakaraming bugok at magnanakaw na LP ang niyakap (welcome) at tinanggap ninyo bilang miyembro ng PDP. Walang batayan ang PDP sa kung sinu-sino ang kanilang tatanggapin. Lahat ay tatanggapin. Pera at puwersa lang. Malinis si Nene. Hindi siya nagpagamit. Wala siyang pera at puwersa. Sayang ka. Ma-prinsipyo pa naman ang tatay mo.

PAGPAPATUNAY: Nawala ang binatilyo ni Edeng at inakalang lumabas lang ito ng Loma de Gato para “makigamit” ng shabu. Tanggap ni Edeng ang bisyo ng anak. Pagkalipas ng may dalawang buwan ay saka lang siya nagtanung-tanong. Hanggang sa pinatay na pala ito, may apat na bayan ang layo. Bakit di niya hinanap ang “nawawalang” tupa, tulad ng nasasaad sa Lukas 15:1-7? Sa pagbabahagi sa ugnayan, di na raw dapat hanapin ang ayaw sa matuwid.

PANALANGIN: Huwag kang mabalisa dahil sa masama; huwag mong kainggitan liko nilang gawa. Katulad ng damo, sila’y malalanta, tulad ng halaman, matutuyo sila. Awit 37:1-2

MULA sa bayan (0916-5401958): Pastilan ang usa ka primero ministro sa usa ka nasud nga mitambong sa ASEAN meeting misulti nga dili kaya ng Pilipinas ang terorismo. Kung mahitabo man ang nahitabo sa Syria ug Iraq, ang Ilaga panahon na mo arangkada nga walay kahadlok. …0821

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending