Tirso nominadong best supporting actor sa Asian TV Awards

By Ervin Santiago November 24,2017
share this

Tirso nominadong best supporting actor sa Asian TV Awards

By Ervin Santiago November 24,2017
share this

TIRSO CRUZ III

TANGING si Tirso Cruz III ang Pilipinong aktor na napabilang sa listahan ng mga nominado para sa Best Supporting Actor sa gaganapaing 22nd Asian TV Awards.

Kinilala ang kanyang mahusay na pagganap bilang mapakapangyarihang gobernador na si Julio Ardiente sa hit primetime series ng ABS-CBN na Wildflower.

Makakalaban ni Tirso sa nasabing parangal si Han Chang mula Taiwan, sina Chen Mu Yi at Sani Hussin ng Singapore, at sina Oabnithi at Krissanapoom ng Thailand.

Bukod kay Tirso, nominado rin ang The Voice Kids sa Best Adaptation of an Existing Format category at si Cathy Yang para naman sa Best News Presenter or Anchor category.

Magaganap ang 22nd Asian TV Awards sa Dec. 1 sa Suntec, Singapore.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending