Rocco cum laude nang matapos ang masteral degree

By Ervin Santiago November 24,2017
share this

Rocco cum laude nang matapos ang masteral degree

By Ervin Santiago November 24,2017
share this

ROCCO NACINO

PAGKATAPOS painitin ang dugo ng mga girls at beki sa nakaraang “Under The Stars” fashion show, isa pang good news ang ibinahagi ni Rocco Nacino sa kanyang fans at social media followers.

Talagang ginulat nang bonggang-bongga ng Kapuso hunk ang mga nanood sa pinag-uusapang underwear fashion event kamakailan nang rumampa siyang T-back lang ang suot kung saan halos makita na ang kanyang pwet at bukol.

Parang kahit anong ipagawa mo sa kanya, mag-e-excel at mag-e-excel pa rin ang binata. In fairness, napagsasabay niya ang pagnenegosyo at pag-aartista, bukod pa ‘yan sa iba pa niyang commitments outside showbiz.

At ang latest, finally, natapos na rin niya ang kanyang masteral degree in Nursing. Pero hindi lang ‘yan ang catch. Naka-graduate siya with flying colors—as cum laude!

Imagine, sa dami ng mga ginagawa niya, sa kaliwa’t kanang trabaho niya, idagdag pa ang patayang taping nila sa serye nila ni Sanya Lopez na Haplos, nagawa pa rin niyang makatapos at cum laude pa! Ikaw na talaga, Rocco, ikaw na! Congratulations!

Samantala, patuloy na tutukan ang Afternoon Prime series na Haplos nina Rocco at Sanya kasama sina Pancho Magno at Thea Tolentino. Marami pang shocking revelations ang bawat karakter sa serye lalo na ngayong mas tumitindi pa ang bangayan nina Angela at Lucille.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending