Vina, Andrea napalaban sa matinding iyakan | Bandera

Vina, Andrea napalaban sa matinding iyakan

Ervin Santiago |November 24,2017
facebook
share this

Vina, Andrea napalaban sa matinding iyakan

Ervin Santiago - November 24, 2017 - 12:10 AM

VINA MORALES AT ANDREA BRILLANTES

ISANG kakaibang kuwento na naman ng pag-ibig at pagpapatawad ang hatid ngayong Sabado ng longest drama anthology sa Asya, ang Maalaala Mo Kaya hosted by Charo Santos.

Pagbibidahan ito nina Vina Morales at Andrea Brillantes bilang mag-inang sinubok ng tadhana upang matanggap ang katotohanan ng buhay at mapatawad ang taong napakalaki ng nagawang kasalanan sa kanila.

Kilalanin si Cenia Salac (Vina), isang babaeng nangarap magkaroon ng masaya at buong pamilya sa kabila ng kahirapan ng buhay. Matapos maka-graduate sa kolehiyo, nakilala ni Cenia si Dodong (Allen Dizon) at pinakasalan matapos mangakong ibibigay ang lahat para sa kanya.

Nagkaroon sila ng mapagmahal at masunuring anak, si Waway (Andrea) na naging saksi naman sa panloloko ng ama sa kanyang ina. Nagkaroon ng kabit si Dodong kaya napabayaan ang kanyang pamilya.

Ngunit isang araw naaksidente si Dodong at naging paralisado. Walang nagawa si Cenia kundi alagaan ang asawa at pakisamahan ang kalaguyo nito. Pero nang malapit nang mamatay dahil sa kanyang lumalang kundisyon, nakiusap si Dodong kay Cenia na alagaan at huwag pabayaan ang kanyang kabit at ang mga anak nila.

Isang araw, nabalitaan na lang ni Cenia na nagmumulto raw ang kaluluwa ng kanyang asawa, hindi pa rin daw ito matahimik sa kabilang-buhay at mas nais na iparating na mensahe sa kanya. Paano malalaman ni Cenia ang nais ipahiwatig ng namayapang asawa? May pag-asa pa kayang maging maayos ang buhay nilang mag-ina sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan nila?

Makakasama nina Vina, Allen at Andrea sa espesyal na episode na ito ng MMK sina Tony Manalo, Louise delos Reyes, Hyubs Azarcon at Tony Manalo, sa direksyon ni Topel Lee at sa panulat ni Benson Logronio.

Napapanood pa rin ang MMK tuwing Sabado sa ABS-CBN pagkatapos ng Little Big Shots.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending