Paolo hirap na hirap mag-aksyon sa pelikula: Ipit na ipit kasi si 'Junjun'!!! | Bandera

Paolo hirap na hirap mag-aksyon sa pelikula: Ipit na ipit kasi si ‘Junjun’!!!

Jun Nardo |November 23,2017
facebook
share this

Paolo hirap na hirap mag-aksyon sa pelikula: Ipit na ipit kasi si ‘Junjun’!!!

Jun Nardo - November 23, 2017 - 12:10 AM

PAOLO BALLESTEROS

SABAY sa birthday ni Paolo Ballesteros ang showing ng movie niyang “Barbi D’ Wonder Beki” sa Nov. 29, Makakalaban niya ang reunion movie nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.

“Okay lang. Megastar naman si Sharon. Saka hindi naman ako kumuha ng playdate, mga producer! Ha! Ha! Ha!” ani Paolo sa presscon ng upcoming movie niya.

Magkasunod nga ang showing ng pelikula niya. Palabas ngayon ang kinabibilangan niyang “Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies” na susundan naman ng pelikula nila ni Joey de Leon.

“Parehas namang maganda ‘yung movie. Hindi lang ang mukha ko ang maganda kungdi ‘yung content,” sey pa niya.

Ano ang nabago sa kanya after “Die Beautiful?”

“‘Yung ilong! Charot! Ha! Ha! Ha!” bulalas niya. “Narinig niyo ba? Siyempre nagkaroon ng confidence.

But not to the point na ay kaya ko na ito. Hindi ganoon. Parang nagkaroon ako ng bagong motivation,” rason ni Pao.

Bilang regalo sa sarili, gusto ni Paolo na makalipat sa bagong bahay niya na ayon sa kanya ay simple lang ang dating.

Sa movie pinaka-exciting at mahirap sa kanya ang fight scene niya bilang Wonder Beki.

“Nakaipit kasi si ‘junjun’ sa stockings ko! Kaya pag-uwi sa bahay, sabi niya, hayyy! Ganoon! Basta mahirap,” deklara ni Paolo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending