Kathryn swerte sa negosyo, Daniel laging nakasuporta | Bandera

Kathryn swerte sa negosyo, Daniel laging nakasuporta

cristy |November 23,2017
facebook
share this

Kathryn swerte sa negosyo, Daniel laging nakasuporta

cristy - November 23, 2017 - 12:01 AM

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

HINDI na talaga mapipigil ang maagang paghahanda ni Kathryn Bernardo sa kanyang kinabukasan.

Malayung-malayo pa ang biyahe ng karera ng magandang young actress, pero ngayon pa lang ay ginagawa na ng kanyang pamilya ang pagnenegosyo, para anuman ang mangyari sa hinaharap ay meron siyang masasandalan.

Padagdag na nang padagdag ang sangay ng kanyang KathNails, binuksan na ang ikalawang branch nito sa SM-MOA nu’ng nakaraang Linggo nang hapon, sa ikalimang palapag naman ng SM-North ang pinakaunang KathNails.

At sa darating na Sunday ay isa pang branch ang bubuksan, sa Ayala Malls-Cloverleaf naman matatagpuan ang business ni Kathryn, ala una nang hapon nakatakdang ganapin ang inagurasyon.

Grabe ang naganap nu’ng buksan ang SM-MOA branch nito dahil umaga pa lang ay nagdatingan na du’n ang mga tagasuporta ni Kathryn at ng loveteam nila ni Daniel Padilla.

Bandang tanghali ay isinarado na ng management ang hallway dahil napakarami nang hinihimatay dahil sa dami ng mga gustong makasaksi sa inagurasyon, dumating siyempre si Daniel Padilla, na tulad ni Kathryn ay dinumog ng ating mga kababayan.

Tama ang ginagawa ng pamilya ni Kathryn, wala nga namang kasiguruhan ang pag-aartista, kaya habang nasa kaitaasan pa ang kanyang career at namimiruya siya ng pera ay kailangang magamit na nila sa tamang paraan ang kinikita ng sikat na young actress.

Congratulations!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending