Miguel, Bianca sa 'Kambal Karibal': Level-up na kami, hindi na pa-sweet! | Bandera

Miguel, Bianca sa ‘Kambal Karibal’: Level-up na kami, hindi na pa-sweet!

|November 23,2017
facebook
share this

Miguel, Bianca sa ‘Kambal Karibal’: Level-up na kami, hindi na pa-sweet!

- November 23, 2017 - 12:05 AM


SINISIGURO nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix na magle-level up na ang kanilang loveteam sa pinakabagong primetime series ng GMA na Kambal Karibal.

Sa trailer ng nasabing serye na ipinalabas sa ginanap na presscon kamakalawa ng gabi, mukhang gugulatin nga ng tambalang BiGuel ang kanilang fans and followers. Ayon kay Bianca, mas mature at mas intense ang mga ekseng nila ni Miguel sa Kambal Karibal na magsisimula na sa darating na Lunes (Nov. 27) sa GMA Telebabad.

“It will be a different Miguel and Bianca. Ibang-iba ito sa mga past series namin. Hindi na po siya ‘yung magiging usual na pa-sweet lang. It will be heavier, kung paano siguro namin ide-deliver ‘yung character. It’s not going to be ‘yung magaang lang. I think we’re ready to level up,” pahayag ni Bianca sa presscon ng serye kamakalawa ng gabi.

Chika naman ni Miguel, “Every time naman na may bago kaming character ni Bianca, we make sure na iba ‘yung nakikita nila para, alam mo ‘yun, may pagkakaiba ‘yung character ni Pagaspas sa character ni ganyan. Para mas maintindihan po nila yung story pati ‘yung hugot ng character.”

Iikot ang kuwento ng Kambal Karibal sa buhay ng kambal na sina Crisanta (Bianca) at Criselda (Pauline Mendoza). Sa kasamaang palad, mamamatay si Criselda dahil sa isang misteryosong sakit. Ngunit hindi agad matatahimik ang kaluluwa ng dalagita kaya palagi lang itong nakabuntot sa kanyang kakambal.

Naging maayos pa rin naman ang relasyon ng magkapatid nu’ng una pero nang dumating sa buhay nila si Diego (Miguel), na pareho nilang magugustuhan. Mas titindi pa ang galit ni Criselda dahil feeling niya mas mahal ng kanilang mga magulang si Crisanta kesa sa kanya.

Hanggang sa sumanib na ang kaluluwa ni Criselda sa katawan ng isang babae upang muling makuha ang atensyon ng magulang at ang pagmamahal ni Diego.

“Ang Kambal Karibal po ay malayo sa ibang fantaserye ng GMA. Siguro kaya lang po siya nasasabi na parang fantaserye kasi po meron po kaming multo. Pero ‘yun lang po ‘yun, ‘yung supernatural effect pero it’s far from being a fantasy,” paliwanag ni Bianca.

“The story would focus about family and love. May multo lang po talaga na manggugulo sa mga buhay ng mga tao,” aniya pa.

Sey naman ni Miguel, “It’s a story naman, halo-halo siya eh. Merong drama, merong love story, merong horror/mysterious na recipe itong show na ito. Kaya aabangan niyo ‘yan. Talagang tagos sa kaluluwa hindi lang sa emotions kundi literal na tatagusan ka sa kaluluwa.”

Makakasama rin sa Kambal Karibal sina Jean Garcia, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Carmina Villaroel, Gloria Romero, at Christopher de Leon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ka-join din sa cast sina Jeric Gonzales, Rafa Siguion Reyna, Sheree, Racquel Montessa, with the special participation of Katrina Halili and Gardo Versoza. Ito’y sa direksyon ni Don Michael Perez at mapapanood na sa Telebabad block ng GMA kapalit ng Alyas Robin Hood 2.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending