Blogger sinampahan ng libel ni Trillanes matapos siyang tawaging ‘drug lord’

November 22,2017
share this

Blogger sinampahan ng libel ni Trillanes matapos siyang tawaging ‘drug lord’

November 22,2017
share this

SINAMPAHAN ng libel ni Sen. Antonio Trillanes IV ang blogger na si Thinking Pinoy na Rey Joseph “RJ” Nieto sa totoong buhay, sa pagsasabing kailangan siyang turuan ng leksiyon.

“I’ve been up against Presidents….He is a minor distraction to be honest. Kelangan ko lang harapin kasi mamimihasa ‘yan,” sabi ni Trillanes sa isang press conference matapos niyang isampa ang libel laban kay Nieto.

Kabilang si Nieto sa mga blogger na hayagan ang suporta kay Pangulong Duterte at bumabanat sa mga kritiko ng presidente.

“Gusto ko mailagay siya sa lugar. Hopefully, next time na magpopost ‘yan, mag-iisip isip na yan,” dagdag ni Trillanes.

Matatandaang si Nieto rin ang nangharass sa isang miyembro ng media matapos namang manawagan sa kanyang programa sa radyo na batuhin ng hollow blocks ang mamamahayag.

Idinagdag ni Trillanes na dapat ay matuto si Nieto ng responsableng magpopost sa social media.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending