Maraming nawalan ng raket sa pagtsugi ni John Lloyd sa Home Sweetie Home ng ABS

By Ambet Nabus November 22,2017
share this

Maraming nawalan ng raket sa pagtsugi ni John Lloyd sa Home Sweetie Home ng ABS

By Ambet Nabus November 22,2017
share this

JOHN LLOYD CRUZ

MEANWHILE, mukhang dedma lang ang publiko sa balitang buntis na si Ellen Adarna courtesy of John Lloyd Cruz.

Ang sey pa ng ilang malditang titos and titas of Manila, mas magtataka raw sila kung hindi mabubuntis si Ellen sa napakahabang bakasyon nila sa iba’t ibang bansa.

May mga tsismis ding babalik na si Lloydie sa pag-arte kaya’t agad din kaming nagtanong sa isang reliable friend namin sa sitcom nilang Home Sweetie Home, at ang tangi lang nilang nasabi sa amin, “Negative. Wala pang advice.”

Tuloy pa rin daw ang pag-ikot ng kuwento ng sitcom with now Papa Piolo Pascual as their semi-regular sa cast at may mga episodes na raw silang nakunan kung saan back story na niya at naka-focus na sa karakter niya as Lloydie’s cousin ang itatakbo ng kuwento.

Ang nakakalungkot lang, maraming nawalan ng regular na raket nang mawala ang karakter ni Lloydie sa sitcom lalo na yung mga kasama ng aktor sa opisina.

Ilan nga rito sina Ogie Diaz, Bearwin Meily at iba pa. Pero kung may nawala, may nadagdag namang mga new characters sa programa tulad nina Ruffa Mae Quinto, Wacky Kiray at Mae Paner na kapapanalo lang ng Best Supporting Actress award mula sa Cinema One Originals.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending