Baguhang male celebrity walang utang na loob, sobrang kapal daw ng mukha

By Cristy Fermin November 22,2017
share this

Baguhang male celebrity walang utang na loob, sobrang kapal daw ng mukha

By Cristy Fermin November 22,2017
share this


HAPPY foundation day! “Yun ang paboritong sigaw ng mga nakakakita sa isang male personality na malakas mamakyaw ng punda para ikulapol sa buo niyang mukha.

Grabe ngang maglagay ng foundation ang lalaking personalidad na ito, halos parang maskara na ang dating nu’n, ano nga kaya ang itinatago niya kaya ganu’n na lang siya kung magpahid ng punda?

Kuwento ng isang source, “Nakakaloka siyang maglagay ng punda, para na siyang nakamaskara. Takip na takip ng punda ang face niya, nakakahinga pa kaya ang mga pores ng skin niya dahil du’n?

“Nu’ng una pa lang siyang nakikilala dahil sa magaling niyang pag-arte sa isang movie, e, ‘yun na ang napansin sa kanya ng marami. Makapal siyang maglagay ng punda, happy foundation daw talaga!

“Hindi na tuloy nakikita ang totoong face niya dahil kahit saan siya magpunta, e, palaging napakakapal ng foundation niya!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Isang miron naman ang nagkomento na dapat lang daw magpahid nang sakdal-kapal na punda ang aktor dahil sa isyung kinasasangkutan niya ngayon. Lumaki na kuno ang kanyang ulo at wala siyang utang na loob.

“Di ba, ang sama-sama ng loob sa kanya ngayon ng mga taong unang-unang nagtiwala sa kanya?

Masama talaga ang loob sa kanya dahil pagkatapos siyang tulungang makilala, aba, may mga kadramahan na siya ngayon na hindi katanggap-tanggap!

“Marami na siyang kaartehan, kung anu-ano na ang hinihingi niya, siya na kuno ang dapat masunod!

“Kaya dapat lang siyang maglagay nang super-kapal na punda para tablan naman siya ng kahihiyan!

Maraming close sa mga taong unang nagtiwala sa kanya ang inis na inis ngayon sa foundation king na ‘yun!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, hindi bagay sa kanya ang name niya, ha? At ang apelyido niya naman, baka maging ganu’n ang takbo ng career niya!

“Baka magmukha siyang bula na sa isang iglap lang, e, nandiyan, pero pagkatapos, e, mawawala rin pala at puputok!” inis na pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending