Ellen posibleng mademanda kung totoong buntis kay John Lloyd?

November 22,2017
share this

Ellen posibleng mademanda kung totoong buntis kay John Lloyd?

November 22,2017
share this

ELLEN ADARNA

NAGSALITA na ang manager ni Ellen Adarna tungkol sa pagbubuntis diumano ng dalaga courtesy of her boyfriend John Lloyd Cruz.

Hanggang ngayon ay hindi pa nagbibigay ng official statement ang sext star ngunit marami ang naniniwala na totoo ngang pregnant na ito dahil nga hindi na siya rumampa sa ginanap na Under The Stars fashion event last weekend.

May chika naman na hindi pa pwedeng aminin ni Ellen na buntis siya dahil sa ilan niyang advertising contracts na balitang mag-e-expire sa Bagong Taon. Ayon daw sa kontrata ng aktres, hindi siya pwedeng mabuntis hanggang matapos ang taon.

Ayon naman sa official statement ng manager ni Ellen na si Pia Campos na ibinalita sa ABS-CBN, “At the moment, I can assure you that Ellen is well and happy. And if there are rumors to be admitted or dispelled, it’s her story to tell when she is ready to do so.”

Samantala, sa gitna ng chikang nagdadalang-tao na si Ellen Adarna, nagbigay naman ng suporta ang ilang kaibigan nina Lloydie at Ellen sa bagong kabanata ng kanilang buhay.

Sabi ng BFF ni Ellen na si Beauty Gonzales, “They both love each other so I’m happy for them.”

Say naman ni Piolo Pascual na malapit din kay Lloydie at siya ring pumalit sa aktor sa sitcom nitong Home Sweetie Home, “We’re always gonna be here as a friend, as a family. I’ll protect him as a brother.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending