Arjo kay Sylvia: Ang taba-taba mo, magpapayat ka na!

By Alex Brosas November 21,2017
share this

Arjo kay Sylvia: Ang taba-taba mo, magpapayat ka na!

By Alex Brosas November 21,2017
share this

SYLVIA SANCHEZ AT ARJO ATAYDE

SINCE she’s played Gloria in The Greatest Love, talagang nag-effort si Sylvia Sanchez na gawing iba ang Sonya character niya sa TV series ma Hanggang Saan.

“Talagang pinag-aralan ko kasi masyadong strong ‘yung Gloria. Nakatatak ‘yun mula mga bata hanggang sa mga lola. Ang ginawa ko ay binago ko lahat, ‘yung lakad, ‘yung atake, ‘yung klase ng pag-iyak. Humingi ako ng tulong sa director ko kasi siya rin ang director ko sa Greatest Love,” she said.

Nagpasalamat si Sylvia sa kanyang anak na si Arjo Atayde who reminded her na kailangang physically prepared siya for the role in Hanggang Saan.

“Nu’ng nalaman niyang meron kaming show, siya talaga ang nagsabi na ‘Mommy, sumama ka sa akin sa pagtakbo.’ ‘Pagod ako, matanda na ako.’ ‘Tumakbo tayo sa ULTRA.’

“Ang naging motivation niya sa akin is, ‘Mom, nagbida ka sa TGL, so what’s next? Ano ang ipapakita mo? Umpisahan mo sa katawan mo. Ang taba mo. Magpapayat ka kahit paano.’ So, ‘yun, doon nag-umpisa ang lahat. In-open ko na sa staff, sa production na magtulungan kami para malayo ‘yung Gloria kay Sonya.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending