Robin tanggap na ang apo kay Kylie pero sarado pa rin ang puso kay Aljur | Bandera

Robin tanggap na ang apo kay Kylie pero sarado pa rin ang puso kay Aljur

Cristy Fermin |November 21,2017
facebook
share this

Robin tanggap na ang apo kay Kylie pero sarado pa rin ang puso kay Aljur

Cristy Fermin - November 21, 2017 - 12:10 AM

SINA Robin Padilla at Aljur Abrenica na lang ang hindi pa nagkukrus ang landas. Nakita na ni Robin ang kanyang apong si Baby Alas, panganay nina Aljur at Kylie, gaano man katigas ang puso ng lolo ay wala siyang pamimilian kundi ang yakapin at halikan ang kanyang apo.

Iba ang tubo sa puhunan. Mas mahal nga raw ng lolo at lola ang apo kesa sa sarili nilang anak. Matagal nang gustong makita ng action star ang kanyang apo kay Kylie pero ngayon lang nangyari ang kanilang pagtatagpo.

Tunaw ang puso ni Lolo Binoe nang makita-makarga na niya si Baby Alas. Guwapung-guwapo siya sa anak ni Kylie, Padilla raw kasi ang itsura ng bata, ayon sa mga nakasaksi sa pagtatagpo ng maglolo.

Ang kulang na lang ngayon ay ang personal na pagkikita ng magbiyenang-hilaw na sina Robin at Aljur, medyo sarado pa ang puso ng action star para sa ama ng apo niya, pero pasasaan ba’t malapit na ring mangyari ‘yun?

Si Baby Alas ang mayhawak ng susi, naumpisahan nang mabuksan ang pintuan ng puso ni Robin Padilla, kaya hindi na mahihirapan si Aljur Abrenica sa mga susunod nitong hakbang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending