Beauty certified Hot Mama, maraming napanganga | Bandera

Beauty certified Hot Mama, maraming napanganga

|November 21,2017
facebook
share this

Beauty certified Hot Mama, maraming napanganga

- November 21, 2017 - 12:15 AM

NAPA-WOW at napanganga ang mga kalalakihan at katomboyan nang rumampa ang Kapamilya hot mama na si Beauty Gonzales sa nakaraang “Under The Stars” fashion show.

E, grabe naman pala kasi ang kaseksihan at kakinisan ngayon nitong si Beauty. Hindi mo talaga aakalain na may asawa’t anak na ang aktres.

Tilian at palakpakan ang audience nang lumabas na sa runway ang Pusong Ligaw star na meron nang 2-year-old baby girl. Naglaway ang mga guys habang rumarampa si Beauty nang naka-two piece lang at halos lumuwa na ang mga dibdib.

In fairness, talagang pinanood din siya ng kanyang asawang si Norman Crisologo para bigyan si misis ng moral support. Siyempre, proud na proud si Norman sa kanyang asawa habang ibinabandera nito ang kanyang sexy body.

Samantala, sa mga susunod na episode ng afternoon serye ng ABS-CBN na Pusong Ligaw, magaganap na ang muling pagtutuos nina Tessa (Beauty) at Marga (Bianca King). Siguradong mabubuhay na naman ang dugo ng Team Marga at Team Tessa sa kanilang mga pasabog na confrontation scenes.

Sa napapanood na trailer ngayon ng Pusong Ligaw, muling magkukrus ang landas ng dalawa. Dito na nga sasabihan ni Tessa si Marga ng, “Wala kang kwentang asawa!”

Siyempre, magpapatalo ba ang asawa ni Caloy (Joem Bascon). Kung ano ang gagawing resbak ni Marga sa mortal niyang kaaway, ‘yan ang kailangan n’yong abangan sa pagpapatuloy ng Pusong Ligaw Ikalawang Yugto.

Napapanood pa rin ang Pusong Ligaw after It’s Showtime, kasama pa rin ang love triangle ng taon, sina Sofia Andres, Diego Loyzaga at Enzo Pineda na rumampa rin ng naka-underwear sa nakaraang “Under The Stars” fashion event.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending