Karla humingi ng tawad kay Nadia Montenegro

November 21,2017
share this

Karla humingi ng tawad kay Nadia Montenegro

November 21,2017
share this

KARLA ESTRADA

NAG-SORRY  si Karla Estrada sa kanyang kaibigan na si Nadia Montenegro sa birthday celebration niya kahapon sa Magandang Buhay.

Personal na binati ni Nadia ang TV host-actress kasabay ng pag-amin na may pagkakataong nagtampo talaga siya sa kaibigan.

Unang pahayag ni Karla, “Ang friendship ko with Nadia, sa mayroon at sa wala, sa hirap at sa ginhawa. Sabi ko nga, ilang beses akong nakapunta sa bahay ni Nadia na kasama ko ang mga anak ko para kumain.

“Pero napakalaking bagay. Sino ba ang pwedeng magpapasok sa iyo para pakainin ang buong pamilya mo, hindi ba ang hirap? Si Nadia ang isa sa magpapatunay kung anong klase akong tao at ano akong klaseng ina, dahil nakita niya lahat yon,” kuwento ng nanay ni Daniel Padilla.

Ayon kay Nadia nagtampo siya sa kaibigan dahil hindi na sila nagkakasama, “Kung hinahanap ka ng kaibigan mo maybe because nami-miss lang kita. Happing happy ako sa naging buhay mo Karla, alam mo yan.

“Kasi dumaan din ako sa point na nagtampo rin ako at alam ko na naramdaman niya ‘yon. Pero nagtampo ako palipad na siya. Pero dito sa puso ko ay masaya ko na nangyayari sa kanya ‘yon.

Kumbaga ang kanta ko lang sa iyo ay ‘Hinahanap Hanap Kita,'” mensahe ni Nadia kay Karla.

Narito naman ang tugon ni Karla, “Nads, katulad ng sinabi ko, puntahan niyo lang ako. Kasi alam mong ang tagal kong binuno kaya pagdating ng panahon ay hindi ko binitawan si Daniel. Pasensiya na, I’m so sorry, kung hindi kita nakita. Ang tagal na panahon na hindi tayo nag-bonding, pero hindi nagbago ang pagtingin at pagmamahal ko, hindi nagbago Nads.”

Present din sa birthday episode ng MB para kay Karla sina Shirley Fuentes at ang ninang ni Daniel na si Donita Rose.

“Alam mo, sina Nads at Donita, si Shirley wala na noong ako ay nagbuntis kay Daniel. Pero itong mga taong ito bakit ko silang ginawang ninang? Ibig sabihin mahalaga ang pakikipagkaibigan na ibinigay ko sa kanila dahil ipinagkatiwala ko sa kanila ang anak ko, ginawa ko silang ninang,” pahayag pa ni Karla.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending