Sarimanok costume lucky charm ni Rachel Peters sa 2017 Miss U

November 21,2017
share this

Sarimanok costume lucky charm ni Rachel Peters sa 2017 Miss U

November 21,2017
share this

BONGGA ang national costume ni Bb. Pilipinas Universe Rachel Peters! Talagang nang-agaw ng atensyon sa social media ang ipinost na litrato ng ating kandidata sa kanyang Instagram account.

Ginaganap na ngayon ang Miss Universe 2017 preliminary round at isa nga sa mga highlight ng event ay ang pagrampa ng mga kandidata suot ang kani-kanilang National Costume sa Planet Hollywood Las Vegas.

Ang national costume ni Rachel ay nilikha ni Val Taguba, isa itong gold-sequined bodice na may high bikini cut with matching golden winged tail skirt.

Meron din siyang suot na Sarimanok-inspired headpiece, gold arm bangles at knee-high gladiator stilettos, na dinisenyo naman ni Jojo Bragais.

Ayon sa ilang netizens, sa national costume pa lang ng ating kandidata ay malaki na ang laban nitong makapasok sa finals. Kering-keri raw ni Rachel na muling maiuwi ang korono at titulo tulad ng ginawa ni Pia Wurtzbach.

May isa namang nagkomento na sana’y magdala nga ng swerte ang “legendary Sarimanok” na suot niya na sumisimbulo sa “good fortune.”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending