Alden ipinaglaban ang loveteam nila ni Maine, hiling ng AlDub Nation natupad na | Bandera

Alden ipinaglaban ang loveteam nila ni Maine, hiling ng AlDub Nation natupad na

Jun Nardo |November 16,2017
facebook
share this

Alden ipinaglaban ang loveteam nila ni Maine, hiling ng AlDub Nation natupad na

Jun Nardo - November 16, 2017 - 12:01 AM

TUWANG-TUWA ang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza dahil dininig ang dasal nilang huwag paghiwalayin sa trabaho ang mga idolo nila.

Nang magkaroon ng storycon ang bagong GMA series, may lumabas na report na si Alden ang first choice bilang male lead. Pero ang latest, si Ruru Madrid na ang pumalit sa kanya to be paired uli sa kanyang ka-loveteam na Gabbi Garcia.

Patunay raw ito ng respeto ni Alden sa loveteam nila ni Meng kaya naman nagbubunyi ang AlDub Nation sa gesture na ito ng Pambansang Bae.

Samantala, lumipad patungong Hong Kong si Maine kahapon para sa maikling bakasyon. Babalik siya bago ang rampahan sa isang clothing brand sa Sabado. Si Alden naman, katatapos lang ng isang special episode para sa anniversary celebration ng GMA weekly drama na Magpakailanman kung saan ginampanan niya ang role ng isang sundalong nakipagbakbakan sa Marawi City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending