Ai Ai kumain ng bawal, sumakit ang tiyan: Akalo ko talaga mamamatay na ako sa sobrang hirap!

By Jun Nardo November 15,2017
share this

Ai Ai kumain ng bawal, sumakit ang tiyan: Akalo ko talaga mamamatay na ako sa sobrang hirap!

By Jun Nardo November 15,2017
share this

TODO ang pagsisisi ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas nang maging pasaway noong nakaraang birthday niya last Nov. 11.

Kinain kasi niya ang regalong junk food at tinikman ang pagkaing hindi niya kinakain ng two years dahil organic na ang lagi niyang nilalafang.

Naghuhumiyaw sa Instagram post ni Ai Ai ang mensaheng, “BIGGEST LESSON LEARNED AFTER NOONG BDAY KO.

“For two years organic ako and sa sobrang excitement ko matikman ang mga dati kong kinakain post ko pa dito lahat ng junk food na kinain ko.

“Then parang ok lang until kagabi eto na naramdaman ko na napakasakit ng tyan ko and lahat ng sign for gluten free intolerance na mararamdaman mo super check…panghihina, migraine, diarrehea, bloat and gas sa stomach – akala ko mamamatay na akiz sa hirap.

“So sa mga gluten free intolerance wag niyo na i-attempt lahat ng ginawa ko…dapat may storycon kami di ko kaya sa sobrang panghihina at worse may LAGNAT AKO…Kaloka #backtoorganic #ayokonatalagakahitbdayko # healthiswealth,” caption ni Ai Ai.

Dahil sa nangyari, super behave na si Ai Ai na laging may sariling baon na pagkain tuwing may trabaho siya.

Ang bagong series ni Ai Ai ang tinutukoy niyang storycon sana niya sa GMA 7 at kung hindi kami nagkakamali, ito ang rin ang reunion project nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.

Get well soon, Ai Ai!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending