Jessy-Luis vs Angel-Neil: Patalbugan sa pagiging sweet

November 15,2017
share this

Jessy-Luis vs Angel-Neil: Patalbugan sa pagiging sweet

November 15,2017
share this

 

BUMUWELTA si Angel Locsin sa isang netizen na ayaw tumigil sa pang-iintriga sa kanila ng kanyang ex-boyfriend na si Luis Manzano at sa girlfriend nito ngayong si Jessy Mendiola.

Sa comments thread ng larawan ni Angel at ng rumored boyfriend niyang producer na si Neil Arce, sa Instagram, nambasag ang isang follower niya.

Sabi ng Instagram user na gumagamit ng handle name na @annecurtis_4_fhm200, “PWEDE BANG PAG SABIHAN MO ANG FANTARDS MO TO STOP THE HATE AGAINST JESSY!! DIBA NAKA ‘MOVE O’ KA NA? YUNG GINAGAWA SAYO NG KN TARDS MADALAS GAWIN NG BULLY MONG FANS AGAINST LIZA AND JESSY!! WALK THE TALK!”

Ang resbak naman ni Angel sa netizen, “Ang sad lang na kelangan mo pang gamitin si anne para sa agenda mo. Move on na tayo girl!”

Hindi na sinagot ni Angel ang reply ng basher na nagsabing, “I hope you’re really moved on from @luckymanzano because obviously your bully fans are not.”

Samantala, ilang netizens naman ang nagsabi patalbugan sa kaswitan ang IG photos nina Angel at Neil at nina Jessy at Luis habang nasa New Zealand. Dumalo ang dalawang magdyowa sa kasal nina Anne Curtis at Erwan Heussaff.

Nasa pahinang ito ang ilan sa mga litrato at kayo na ang bahalang humusga kung sino sa dalawang pares ang mas sweet at mas nakakakilig!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending