Mr. Secretary quota na sa dami ng selfie with world leaders

By Den Macaranas November 15,2017
share this

Mr. Secretary quota na sa dami ng selfie with world leaders

By Den Macaranas November 15,2017
share this

KUNG meron mang masaya na nakasama ang ilang world leaders sa katatapos na APEC at ASEAN Summit maliban kay Pangulong Duterte ay itong si Mr. Cabinet Secretary na siyang bida sa ating kwento ngayong araw.

Halos lahat ng mga world leaders na present sa nasabing mga pulong ay nakasama niya sa selfie, at bonggang-bonggang ipinost sa kanyang social media accounts.

Hindi lang ‘yun, present din siya sa mga top level meetings kung saan ang ilang mga sensitibong isyu ang mga pinag-uusapan.

Hindi naman masyadong mabigat ang kanyang trabaho at pwesto pero nagkaroon siya ng pagkakataon na maka-rubbing elbows ang ilang kilalang lider sa mundo.

Sinabi ng ating Cricket na inggit daw kay Mr. Cabinet Secretary ang isa pang opisyal na kilala rin sa pagiging “Boy Selfie”.

Kundi lamang daw siya may sakit sa ngayon ay malamang na nakipag-sapawan siya kay Mr. Cabinet Secretary sa dami ng groufies at selfies with world leaders.

Balikan natin ang cabinet official na ito, na alam ba ninyong tatlong celfone ang laging dala sa kanyang katawan?

Minsan daw niyang naikwento sa mga kaibigan kung sino ang pinaka-friendly sa mga dumalo sa ASEAN Summit.

Una sa kanyang listahan si Canadian President Justin Trudeau na game na game pang humawak ng gamit niyang celfone. Ikalawa raw ay itong si Japanese Prime Minister Shinzo Abe na sobra rin daw ang pagiging accommodating.

Pinakasuplado raw ay itong si Chinese Li Keqiang kaya hindi na siya nagpa-selfie rito.

Bilib naman siya kay US President Donald Trump dahil magaling itong mambola sa mga kapwa lider na dumalo sa ginaganap na summit.

Ang cabinet secretary na quota na sa dami ng selfies kasama ang mga world leaders na dumalo sa APEC at ASEAN Summit ay si Sec. B….as in Bongga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending