Braso ng 24-anyos na babae putol sa MRT

By Liza Soriano November 14,2017
share this

Braso ng 24-anyos na babae putol sa MRT

By Liza Soriano November 14,2017
share this

NAPUTOL ang kanang braso ng babae nang mahilo at mahulog siya sa riles bago madaanan ng tren sa Ayala station ng MRT 3 Martes ng hapon.
Isinugod sa Makati Medical Center si Angeline Fernando, 24, ng Pasay City. Naiwan ang braso niya sa riles, ayon sa security guard.
Lumabas sa ulat na naghihintay si Fernando sa platform ng north bound Ayala station alas-2:30 nang mahilo at bumagsak sa pagitan ng ikalawa at ikatlong bagon ng papaalis na tren.
Sa panayam sa radyo, sinabi ni Transportation Undersecretary Cesar Chavez na sumabit ang braso ng biktima sa coupler ng train na nagdudugtong sa una at ikalawang bagon.
Idinagdag ni Chavez na kokonti lamang ang mga pasahero nang maganap ang insidente.
Aniya, inaalam pa kung sino ang dapat managot sa pangyayari.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending