Babalik pa ba ang BF na nang-iwan?

By Joseph Greenfield November 14,2017
share this

Babalik pa ba ang BF na nang-iwan?

By Joseph Greenfield November 14,2017
share this

Sulat mula kay Daisy ng Matina, Balusog, Davao City
Dear Sir Greenfield,
May boyfriend ako sa ngayon ang problema nagkatampuhan kami ng minsang nakita niya sa FB ko na may ka-chat akong lalaki. Akala nya nakikipag landian ako sa ibang lalaki, kaya mula noon di nya na ako tinetext at pinupuntahan sa bahay mag dadalawang linggo na. At “in-unfriend” na rin niya ako sa FB nya. Balak ko sana siyang kausapin ng personal at kahit wala akong kasalanan sa kanya ako na ang hihingi ng sorry tapos siya na rin ang paghahawakin ko ng cell phone ko para hindi na lang kami magka-galit. Willing akong gawin ang lahat para magkabalikan kami. Mahal na mahal ko kasi siya. Sa palagay nyo pagnagpakumbaba ako at ako na ang unang humingi sa kanya ng sorry maglulubag na kaya ang selos niya at pagtatampo? Babalik pa kaya siya at muli kayang mabubuo ang pagmamahalan namin at compatible po ba kami? August 25, 1993 ang birthday ko at April 29, 1992 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Daisy Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw na Marriage Line (Illustration 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin kung sino ang unang naging seryoso at totohanang boyfriend mo sa bandang huli, malaki ang posibilidad na kayo na nga ang magkakatuluyan at magsasama sa pabuo ng isang simple pero maligayang pamilya habang buhay.
Cartomancy:
Queen of Clubs, Nine of Hearts at King of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing, sa kasalukuyan “tampong purorot lang ang boyfriend mo”, o hindi siya tunay na galit. Sa halip, amuamuhin mo lang siya at lambingin, makikita mo, hindi matatapos ang buwang ito ng Nobyembre, muli siyang magbabalik sa iyong piling.
Itutuloy…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending